DIARY ENTRY #48

6 1 0
                                    


DIARY ENTRY #48

Dear Diary,

This is it, pansit! OMG, Diary!

Hindi sa pagmamayabang pero ang ganda ko! Huhuness nakakaiyak! Lahat ng gusto ko eh nagawan ng paraan.

Alam mo banag muntik pa kaming magkaproblema ni Mommy sa pagpapapayag kay Daddy? Kasi naman eh, yung nagustuhan kong blue na gown eh backless. As in legit na expose ang aking likod sa damit na iyon kaya medyo mahaba-habang paliwanagan pa kay Daddy but oh well, magaling kaya si Mommy.

Naipaliwanag ni Mommy yung side ko at naintindihan naman na ni Daddy kaya ang ending, pinayagan ako sa gown ko!

Ang ganda ganda ng gown ko, Diary! Hindi siya light blue katulad ng kay Cinderella, pero yung royal blue siya tapos super ganda ng effect ng mala-diamonds sa gown, Diary! Mukha tuloy akong nakintab.

Tapos, OMG! My heels, Diary! Silver siya with glitters and yung katulad din ng nasa dress ko, yung mukhang diamonds, ganon! Ang pretty pretty tingnan.

Pero ito na nga, Diary. Papunta na kami sa hotel kung saan magaganap ang ball. Nagse-send na rin ng messages yung iba kong mga katropa. Antatagal naman kasi magsi-ayusan eh, ako pa ata ang pinaka-mauuna sa amin doon. Teka lang muna, Diary ha? Sasakay na kasi kami ng kotse eh, ang hirap pa naman magsulat kapag nauga.

And I am back! Bale nasa labas pa kami ng event room kasi—actually ewan ko rin. Gusto pa ata nila Mommy na picture-an ako nang picture-an. Nakakaloka.

Ay joke, alam ko na kung bakit kami wala sa event room kanina. Mali pa lang side ng hotel ang napuntahan namin. Nakakaloka, lakad kami ulit kanina eh.

So, ito na ako, Diary! Nakaupo na at nasa loob na ng paggaganapan ng ball. I must say, it's really pretty, Diary. Medyo maliit nga lang yung dance floor pero keri na. Mamaya, sure akong mant-trip kami ni Kuya Killian at ng iba ko pang mga kaibigan kapag sasayaw na.

Pero babye na muna, Diary ha? May pa-mini model something pa kami bago mag-start ang actual party and then baka patayin ang ilaw eh. Saka magliliwaliw muna kami ng tropa ko, kaya babye muna!

Definitely enjoying the party,

Zoe

Dear Goodbye... [COMPLETED]Where stories live. Discover now