DIARY ENTRY #28

5 1 0
                                    


DIARY ENTRY #28

Dear Diary,

Guess what? I'm writing another song. I was hoping Kaine would also sing it, kaya naman duet style ang ginawa ko. The lyrics talk about what I feel and what I'm hoping he feels too.

Para sa akin, cute yung tono na nagawa ko. Match lang din ang words sa nararamdaman ko para sa kanya. Gusto ko ngang ipabasa sa kanya kaya lang nahihiya ako eh. Pakiramdam ko kasi eh maco-cornyhan siya, mukha kasing hindi siya fan ng mga ganitong kanta. Tapos nandoon din yung feeling na baka ma-OA-han siya sa pinaggagagawa ko.

Hay! What do you think, Diary? Sarilinin ko muna 'no? Next time ko na lang ipapaalam sa kanya. Sasarilinin ko pero idadamay kita. Pero ayun na nga, sa next page mo makikita yung lyrics ng song ko entitled Feel The Same. Oh diba? Title pa lang corny na. Haist! Mas nawawalan tuloy ako ng lakas ng loob para iparinig sa kanya yung kanta.

Bahala na nga, Diary. Let's cross the bridge na lang when we get there, katulad ng laging sinasabi ni Mommy. Sige na! Wala naman masyadong ganap ngayon with Kaine dahil maya't maya ang projects at quizzes namin. Babye na muna!

Adik na sa pagsusulat ng kanta,

Zoe

Dear Goodbye... [COMPLETED]Where stories live. Discover now