DIARY ENTRY #19

4 1 0
                                    


DIARY ENTRY #19

Dear WS,

Umm... Sorry kung matagal na bago ulit ako nakapagsulat. 'Lam mo naman naging busy sa school at sayo, personally. As much as this diary is helpful for letting out more emotions and feelings of mine towards you, iba pa rin pala kapag nakikita ko yung reaksyon mo sa lahat ng sasabihin ko. I mean I always look forward to your laughs, your smiles, kung effective ba yung mga jokes ko o yung mga kalokohan ko.

I don't know why I'm like this pero parang mission ko na atang pasayahin ka. Because if you're happy and you know it clap your hands—charot. If you're happy, then I'm happy. I do the same thing with my friends and family pero bakit parang iba yung gaan sa pakiramdam kapag ikaw na ang pinag-uusapan? Hays! Nababaliw na naman ako. Nagiging hobby ko na ata ang pag-ooverthink simula nang maging crush ulit kita.

By the way, after a long time, nalaman ko na rin na hindi ito isang panaginip. I can finally see that even if this feels like just part of my imagination and that it'll never happen, you proved to me that it's real. I mean hell! I can touch you for Pete's sake. I get to say goodnight to you every time I fall asleep and then good morning every time I start my day. Pero if ever na mangyaring panaginip lang pala ang lahat ng ito. I don't think I would even want to wake up anymore.

I'm happy here. But pfft. This is real. I really like you, Kaine Valiant V. Lim. I like you, and I won't stop liking you. I promise that.

Anyways, tama na ang ka-cheesy-han. By the way, high way, no way, nalilito lang ako kung ano ang sinabi ko bago mo sabihing, "matagal na." Well, 'yun ba yung "'Wag mo nang tingnan, baka ma-inlove ka lang sa akin." o "'Wag mo nang tingnan, baka magandahan ka lang sa akin."? I swear nalito at nag-assume ako nang bongga. Kaya kahit na ayoko na naman sanang mag-overthink ay kanina pa 'yan bumabagabag sa isip ko.

Though either way, kinilig ako plus the 'wet hair and white shirt without glasses' look of yours made my heart beat faster. Don't attack me like that again. Kaa-adjust ko pa lang sa fact na gusto na kita at hindi lang basta crush eh. 'Wag mong madaliin ang puso ko. As per mom's words, love is a big deal. So if I fall for you, I'll never recover—charot lang. Anyways, big deal na 'yang salitang love kaya I won't go there muna.

Balik ako sa kaninang itsura mo. Shiz! What have you done to me? Panindigan mo 'ko, Kaine! Charot lang. Keep smiling, WS. Bye!

Hihimatayin na sa kilig,

Zoe

Dear Goodbye... [COMPLETED]Where stories live. Discover now