DIARY ENTRY #50

4 0 0
                                    


DIARY ENTRY #50

Dear Diary,

Hindi pa ako over sa nangyari sa ball tapos ito naman, Diary. I took my chances. I actually invited him. Sa birthday celebration ko. More likely, sa magaganap lang three days after ng birthday ko. Like... to celebrate my birthday ay pupunta kami sa Star City at maglalalaro lang doon. Dad got ten free ride-all-you-can tickets and wanted me to invite mah friends.

Unfortunately, hindi makakasama sila Kathryne or kahit sino pang girl na friend ko. I was a bit sad but hey, hindi naman lahat gusto ko eh masusunod.

And then, something unexpected happened. Killian said yes—but that's not the biggest deal. Lim... he actually said yes. OMG, Diary! Sasama raw siya! Sasama siya like OMG!

So bale ako, si Kuya, si Lim, si Zaina, tapos sila Mommy at Daddy ang nasa Star City.

May sira ba ako, Diary? Kinikilig ako sa thought na kasama si Lim sa family bonding eh huhuness. Sana may plano rin siyang maging part ng family namin—charot lang.

Anyways, bago pa kami pumunta kanina sa Star City eh sinundo pa namin ni Zaina sila Lim at Kuya sa may McDo sa may kanto. Eh medyo late si Kuya tapos si Lim naman nasa loob na ng McDo, so ang nangyari eh hindi kami pumasok doon. Jusko the hiya, Diary! 'Di ko keri mag-stay somewhere na siya lang at ako—pansamantala kong nakalimutang kasama ko pala yung kapatid ko. Peace.

Pero ayun nga, nung dumating na si Killian, bale dumiretso muna kami sa bahay saka naghintay ng Grab. Tapos ayun, hindi naman kami magkatabi ni Lim kaya nakakahinga pa naman ang aking self. Then pagpunta namin doon, hindi pa bukas si Star City, napanood pa nga namin yung mga staff na sumasayaw na panimula nila eh.

And then after that, we're supposed to be heading towards the Star Flyer but they still weren't operating at that time kaya naman naghanap pa ng iba pang pwede munang sakyan.

Ang ending ay sumakay kami sa Egyptian Spinning Coaster. Kami ni Zaina yung magkatabi tapos nasa harapan namin sila Kuya at Lim. I had to stop myself from freaking staring at his smiling face since literal na magkatapat kami. Buti na lang at naaagaw nila Kuya at Zaina yung atensyon ko.

After that ay marami pa kaming nasakyan like Wacky Worm, Bump Car Smash, Star Flyer, tapos pumasok rin kami sa Time Tunnel at Dungeon of Terror.

Speaking of Dungeon of Terror, jusko! Hindi sumama si Zaina tapos pinagitnaan ako nila Kuya at Lim! Eh kasi naman ayoko ng horror booths—ayoko ng horror. Tapos.

Tapos nagkukunwari akong matapang nun, so papasok na sana kami nang balakin kong umalis at hayaan na lang sila Kuya at Lim sa loob. Alam mo ba kung anong ginawa nila ha? Ha? Jusko, Diary! Hinarangan ni Kuya yung harapan ko tapos si Lim naman hinarangan yung likuran ko huhuness.

So ang nangyari eh nasa harap si Kuya, nakahawak ako sa magkabilang balikat niya and then si Lim eh pumwesto sa likuran ko, hawak-hawak yung bewang ko't baka raw tumakas ako. Then inasar lang naman nila akong dalawa buong gala roon huhuness.

Ay! Sumakay rin pala kaming apat sa Surf Dance. Dapat ang posisyon eh si Kuya sa left na dulo, tapos si Lim, then si Zaina, then ako sa right na gilid.

Kaya lang na-realize kong baka bigla akong himatayin at nagsisimula nang magpawis ang mga kamay ko so nakipag-switch ako ng upo. Ang ending tuloy eh, si Kuya sa dulong left pa rin, then si Zaina, then ako, then si Lim.

Kikiligin na ba ako? Yes! Pero mas nakakakaba yung ride so kinalimutan ko muna ang kaharutan ko.

And then last ride na ata namin yung Jungle Splash. Hindi sumama si Zaina kaya kaming tatlo ulit. Ang setup ay ako ang nasa pinakaharap, then nasa likod si Lim, then pinakalikod si Kuya. Tapos nung papaakyat na yung log, jusko! Akala ko mahuhulog ako so bigla akong napasabi ng, "Jusmiyo! Baka mahulog ako rito!" Wala pa naman ding seatbelt or such.

Tapos narinig ko sa likod kong sinabi ni Lim na, "Okay lang naman. Sasaluhin naman kita." Hindi ko alam kung pinaglalaruan lang ako ng utak ko pero hindi ko na siya tinanong ulit. Basta ang alam ko eh nakangiti na lang ako buong ride.

Actually hindi pa roon natapos 'yang kay Lim na 'yan! Jusko, Diary!

Bale nung pauwi na eh nag-Grab ulit kami. Si Daddy sa passenger's seat, si Kuya, Lim, at Mommy sa gitna, then kami ni Zaina sa likod.

Alam mo kung anong nakakaloka doon, Diary? Ha? Pinagt-tripan ko yung kamay nila. Bale sawsaw-suka ganon. And then salit-salitan kela Kuya at Lim. Nung na kay Lim na ako, nahuli niya yung kamay ko tapos... tapos! Ayokong tanggalin, so ilang segundo—o minuto na hawak na lang niya yung kamay ko. Tapos si Zaina nung tiningnan ko eh nang-aasar na nakatingin sa akin. Then nung may lakas na ako, inalis ko na ng tuluyan yung kamay ko.

Overall, I really had fun. That would be the best birthday celebration of my life. Simple yet memorable.

And Lim made it memorable.

Crazily grinning right now,

Zoe

Dear Goodbye... [COMPLETED]Where stories live. Discover now