DIARY ENTRY #11

9 2 0
                                    


DIARY ENTRY #11

Dear Diary,

And we are back to writing diaries. Hey, Diary, sorry for the very long no entry. Nawala ka kasi eh tapos ayaw ko naman na palitan ka at sayang ang papel at effort kong kwento rito. Malay mo bigla akong maaksidente with matching amnesia deh joke lang napapasobra na ata kaka-teleserye ko.

So eto na nga, ngayon lang ulit kita nakita kaya naman iinform lang kita na grade 8 na ako! Nakapasa naman kasi baliw ako nung grade 7 at hirap na hirap sa pag-cope up dahil never naituro sa amin sa elem yung mga pinagsasabi ng teacher namin sa gr. 7.

Anyways diary, mag... mag... MAGKAKLASE KAMI NI KAINE, DAIRY! Imagine my shock nung nakita ko yung list ng people sa section ko. I cannot, Diary. I cannot handle the stress. Joke lang.

Bale first quarter ngayon at nasa second week na kami ng klase. Hindi lang sa pagiging magkaklase natatapos ang pagpapanic ko. MAGKATABI KAMI NGAYON, DIARY! Magkatabi na naman kami jusko. Hindi naman ako kinikilig, grabe hindi talaga, hindi—

KAAZAR! NAKIKISILIP SIYA NG DIARY NANG MAY DIARY! OH NO! YOU ARE NOT SAFE ANYMORE, MY DEAR DIARY! Nandito ako ngayon sa pinaka-corner ng classroom para 'di niya makita itong sinusulat ko.

As I was saying, Diary, hindi ka na muna ligtas sa ngayon kaya sa bahay na lang ako magsusulat ng entries.

Itutuloy ko muna ang aking kwento kasi antagal mong nawala. So may new friends ako, Diary. We have Phoebe, Amelia, Alysa, and Cristian. Hindi ko na kaklase sila Malcolm. Si Emmett naman eh lumipat na ng school. Pero kaklase ko pa rin naman sila Killian at Kit.

Anyways, wala namang gaanong happenings with my life, maliban sa napapanaginipan ko si Kaine. 'Wag kang mag-alala, Diary. Maglalagay din ako sayo ng Dream Entries ha? Para maganda at hindi puro dear diary and content mo.

Pero seryoso, Diary, normal bang tumagal ng ilang buwan yung pagkaka-crush sa isang tao? Kasi diba, Diary, nung elem naman ako, laging ilang linggo lang or max is one month na crush ko yung tao. Eh bakit ngayon nakaka-anim na buwan na pero crush ko pa rin siya? Nababaliw na ako kaiisip, Diary. I badly need help.

Nangangailangan ng mental institution,

Zoe

Dear Goodbye... [COMPLETED]Where stories live. Discover now