DREAM ENTRY #2

5 0 0
                                    


DREAM ENTRY #2

Finally! Fusion day na! Ang daming booths! Ang saya nito kapag food trip na hihi.

"Anong una mong pupuntahan?" nakangiting tanong sa akin ni Cristian.

Agad nagningning ang mga mata ko nang makakita ng mala-potato corner. "Ayun! Bibili ako ng fries!" sigaw ko sabay turo sa booth ng Science club.

"May pera ka ba?" agad na tanong ni Killian.

"Syempre naman, Kuya." Kinuha ko ang phone ko saka tinanggal ang case nito. "See?"

"Ayy may five hundred oh! Libre na 'yan!" sigaw naman ni Cristian.

Agad naman akong napasimangot. "Pang-buong linggo ko 'yang perang 'yan, hindi pang-ngayon."

Tinawanan naman ako ni Kuya bago nagyaya. "Tara na at baka magwala pa 'tong si Zoe kapag hindi nakakain."

Umagree naman kaagad si Cristian kaya sinamaan ko silang dalawa ng tingin. Nasa kalagitnaan na kami ng field nang may mahagip ang mata ko.

OMG! "Wedding booth!" I clapped my hands while staring at that area.

"Wow. May kinakasal sa Wedding booth," sarcastic na sabi ni Cristian.

"Wow. May pari sa Wedding booth," pang-aasar pa ni Kuya.

"Aish! Kaazar kayo!" reklamo ko saka padabog na naglakad papunta sa Potato Corner-like booth.

Naka-order na ako ng tatlong fries at idinistribute na kela kuya at Cristian nang bigla kong makita na may dalawang students na naka-light pink shirt ang lumapit sa amin.

Nagtaka ako nang tingnan nila ako na para bang may kinokompirma sila. Nang wala naman silang sinabi ay nagsimula na akong maglakad papalayo sa kanila.

"Ang weird nila makatingin sa akin, Kuya." I pouted.

Tinawanan lang naman ako ni Killian saka nagtanong, "Gusto mo yung booth na 'yun tapos 'di mo sila nakilala."

"Eh?—EH?"

Ang pagtatanong ko kay Kuya ay napalitan ng pagtatanong sa dalawang taong may hawak ng braso ko.

"Wha-what? Anong nangyayari? Kidnap ba 'to? Five hundred lang po pera ko, nabawasan pa pambili ng fries kaya walang pang-ransom," pagpapaliwanag ko sa dalawang hindi naman ako pinansin.

Nang tumingin ako sa direksyon kanina ni kuya ay nakita ko silang naglalakad ni Cristian papalapit sa akin habang nakangisi.

Pinangkinitan ko sila ng mata at halatang napansin nila 'yun kasi sabay pa silang tumawa at mas binilisan ang paghabol sa amin.

"By the way, where are you taking me?" tanong ko na naman sa dalawa, at katulad sa una, hindi na naman nila ako sinagot.

Ilang saglit lang ay binitawan na nila ang braso ko at may lumapit sa aking nakangiting babae saka ako sinuotan ng flower crown.

"Eh? Anmeron?" Nakakailang tanong na ako pero nginingitian niya lang ako. Mukha ba akong meme o clown?

Naiiritang tumalikod ako nang senyasan niya ako. I even rolled my eyes because of annoyance. Kaya lang nawala ang lahat ng 'yun nang makita ang lalake sa harap ng kunwariang altar.

W-Wait... A-Altar? Y-Yung kunwaring pari!

Agad nanlaki ang mga mata ko nang mag-sink in ang nangyayari. N-Nasa wedding booth ako with Kaine?

OMG! OMG!

"Ambagal naman ng babaeng 'to," rinig kong sabi ng isang lalake saka ko naramdamang may brasong pumalupot sa braso ko at inalalayan akong maglakad.

Nang humarap ako rito ay nakita ko si kuyang nakangisi habang nakatingin sa harap. "P-Plano niyo 'to?" Tumango lang naman siya. Yah! Kuya! I love you so much na! Nawa'y biyayaan ka ng Poong Maykapal!

Nang nasa tapat na kami ng kunwariang altar ay nakatingin lang ako sa pari, nahihiya akong tumingin kay Kaine 'no! Baka mahalata niya akong namumula, jusmiyo marimar.

Ngumiti naman ang pari-parian sa akin saka nagsimulang magsalita, "We are gathered here today—"

"Why are you looking at the priest?" rinig kong tanong ni Kaine.

K-Kinakausap niya ba ako?

Ayy hindi, Zoe! Kausap niya yung sarili niya, ano?

I rolled my eyes before I slowly turned my head to face Kaine. Halata namang seryoso siyang nakatingin sa akin. "H-Hoy! 'W-Wag mo 'kong tingnan ng ganyan at baka dumiretso tayo sa honeymoon."

Mas kumunot naman ang noo niya. "Are you saying something?"

Agad nanlaki ang mga mata ko. Sinabi ko ba 'yun‽ Akala ko nasa isip ko lang. Sunod-sunod naman akong umiling. "W-Wala. Wala."

Then he looked pissed. "Bakit ba kasi meron pang ganito?"

Ako naman ang nagtaka. Was he forced to do this? Ayaw niya siguro talaga ng mga ganito.

I sighed. "Kalokohan lang naman 'to, Kaine. Kung ayaw mo, pwedeng-pwede lumayas." Sumenyas pa ako sa kanya. Nakaka-hurt naman siya medyo ng feelings.

"Yeah, I don't like this—"

"—Edi umalis ka—"

"—I don't wanna be wed—"

"—Usong lumayas—"

"—with you—"

Nagsisimula na akong mairita. "Ako ang aalis—"

"—in just a booth."

Napatigil naman ako sa pagtalikod sa kanya. Kahit papano ay naguluhan ako—kahit papaano pa eh sobra naman talaga akong naguluhan.

Mabagal pa sa pagong—charot—basta dahan-dahan akong humarap pabalik sa kanya. "A-Anong sabi mo?"

Lumapit naman siya sa akin saka hinawakan ang kamay kong may hawak na flowers. "I said I don't wanna be wed with you in just a booth. You shouldn't have interrupted me while I'm talking. Hindi mo tuloy narinig nang maayos."

Hindi ko napigilang iikot ang mga mata ko. "Eh sa panay reklamo kang ayaw mong ikasal eh. Obvious namang ayaw mong ikasal sa akin kaya kalma lang kasi 'di naman totoo 'to—"

"That's exactly the reason."

"A-Anong reason?" Saka ba't niya ba ako ini-english nang ini-english? Wala kaya akong dalang tissue o kahit anong pamunas ng ilong ko.

He caressed my cheek. "This isn't real and I don't like it."

Pakiramdam ko natigil ako sa paghinga. "A-Anong ibig mong sabihin?" Sus! Tatanong-tanong ka pa eh alam mo naman na.

Eh sa ayokong mag-assume agad eh! Sagot ng isip ko. Jusko! Mababaliw na ako kakakausap sa sarili ko.

Kaine let out a chuckle before he smiled at me. Ang bilis ng tibok ng puso ko! "I think you know what I mean." Hinawi niya ang ilang strand ng buhok kong nakakakalat sa mukha ko at saka inipit sa tenga ko. "I want to—"

My sister woke me up!

Dear Goodbye... [COMPLETED]Where stories live. Discover now