DIARY ENTRY #12

3 2 0
                                    


DIARY ENTRY #12

Dear Diary,

Diary! Sorry na kung ilang linggo na naman akong 'di nakapagsulat. Ang dami kasing ginagawa na school-related kaya nakakatamad ikwento sayo. Pero I have good news!

Guess what? Nagbabalik loob na ako kay Wattpad! Eh kasi nga, Diary, diba? Tumigil ako sa pagwa-Wattpad noong grade six ako. Tapos ngayon naman may mga nakilala akong new classmates ko na nagwa-Wattpad din pala. Oh edi damay na naman ako.

May ni-recommend kasi silang story sa akin na dadalawang chapters lang, as in His POV at Her POV ang mga title ng chapters. Tapos ayun, Diary, ang ending eh ngumangawa ako sa sahig ng classroom. Wala na naman kasi yung teacher namin kaya free time eh.

Anyways, ayos naman ako these days, Diary. Masaya naman tapos ayun nga, since bumalik ako sa Wattpad, may binasa akong story na famous daw ngayon. The Four Bad Boys and Me by Blue_maiden. And Diary! Ang ganda, pramis! Nakakakilig! Napagtripan ko tuloy mga kaibigan ko.

I am now calling Killian, "kuya" kasi parang bagay sa kanya si kuya Charles the "tanda," and then Julian is Troy, Cristian is Lucas. Tapos ayun, "manang" na ngayon ang tawag sa akin ni Killian kasi nalaman niya rin ang tawag ni Charles kay Candice.

Bigla ko namang naisip kung sino si Marky tapos sino si Jeydon. Hindi ko naman agad masabing si Jeydon si Kaine dahil sa sila Candice at Jeydon ang nagkatuluyan. Paano 'yan, Diary? Feeling ko first love ko si Marky Lim sa Wattpad.

Wait! Why not si Kaine na lang yung dalawa 'no? Nobody will know naman. Plus my friends don't really care about what I babble. Aware naman na silang typical akong madaldal kaya kung anong gusto kong sabihin, sinasabi ko tas 'di na lang nila papansinin kasi makakalimutan ko rin naman kinabukasan. Angas, diba?

Tapos ayun, I'm... liking Kaine more, I think. I mean kung noon mata niya lang at kapag nakasuot siya ng white shirt ako natutulala sa kanya. Ngayon, Diary! Malulupit na panaginip na with matching titig sa kanya kapag bigla siyang ngingiti at tatawa. And even when he's wearing the school uniform or just P.E., I can't deny the freaking fact that he looks really really cute!

Am I really going crazy, Diary? At crush pa ba 'to? O gusto ko na siya? I mean based on psychology—joke lang, based lang sa mga chismosang kapitbahay—deh seryoso, narinig ko lang sa iba kong mga kaklase, ang pinakamababaw na attraction ay crush, kapag tumagal at lumalim ng konti, like na raw yun, tapos love kapag kahit flaws niya eh tanggap mo, as in gusto mo lahat ng tungkol sa kanya, walang tapon, tapos obsession, tapos ipapakulong ka na—joke lang, anlayo na.

Pero legit, considered na bang like 'to? I'm liking him more as time passes. Sa ngayon, Diary, alam mo bang tinitingnan ko siya kapag humihinto ako ng pagsusulat sa'yo? And as of now, he looks really cute while smiling. Parang gusto kong laging nakikitang nakangiti siya kasi parang ang gaan sa pakiramdam, alam mo 'yun?

Kapag nakatingin ako sa kanya, parang siya at ako lang ang nasa lugar na yun. Parang inaalis niya yung iba ko pang isipin, na para bang okay lang ang lahat kapag nandyan siya.

It's really weird, Diary. Really really weird.

Nababaliw na,

Zoe

Dear Goodbye... [COMPLETED]Where stories live. Discover now