DIARY ENTRY #6

12 4 0
                                    


DIARY ENTRY #6

Dear Diary,

FIELD TRIP! DIARY! MAY FIELD TRIP PA RIN KAMI! OMG! So eto na nga, sa susunod na linggo na kami magfi-field trip, and guess what, Diary? The main destination is EK!

So anyways, pupunta daw kami ng Gardenia factory tapos Lucky Me tapos Enchanted Kingdom! Miss ko na yung Enchanted Kingdom, Diary! Masaya kapag extreme rides huhuness. Pero eto na nga talaga yung kwento ko, Diary. Kaninang morning kasi, Diary, may pinagpasahang paper, tapos sa akin pala ang ending. Muntik ko pa ngang ipasa sa likod ko kung 'di ko lang nakitang may pangalan ko eh. So, ang nakasulat lang naman sa paper ay:

Zoe, pwede bang magkatabi tayo sa field trip?

~ Trenton

So ayun, 'di ko muna sinagot kasi since first time 'yun, I need to talk to Mommy. Pinakita ko muna 'yun kay Mommy tapos sabi naman niya na she trusts me kaya pumayag siya. I'm so lucky kay Mommy.

Kaya ayun, ngayong gabi, chinat ko si Trenton saying na payag na ako sa gusto niya. Welp, ano bang pwedeng mangyaring masama, diba?

Lucky sa Mommy,

Zoe

Dear Goodbye... [COMPLETED]Where stories live. Discover now