DIARY ENTRY #3

29 4 0
                                    


DIARY ENTRY #3

Dear Diary,

I'm back! So ayun na nga, Diary! Nagbotohan ng class officers kanina and weirdly, I'm the vice president. Ano kayang naisip nila at ginawa nila akong VP?

Anyways, ayun na nga, Diary! Bale may mga nagiging close ako pero karamihan lalake. I'm one of the boys kaya. Katulad kanina, bale nagiging close ko na sila Malcolm na englisherong yayamin, si Emmett na mommy's boy, si Killian na englisherong Hapon, and si Kaine ang Intsik na englisherong cute kapag nakangiti.

Pero seryoso, Diary, feeling ko medyo nababawasan yung pagka-crush ko kay Kaine. Kasi naman, Diary, habang tumatagal may iba pa akong nagiging close rin. For example, yung sinabi ko noong si KC, jusko! Ang gwafu! Kinikilig ako kapag kinakausap niya ako kaya lang 'di ko masyadong naiintindi rin kasi ini-straight english ako.

Tapos ito pa, Diary! Nung isang araw, si kuya Ayden, pero kuya Den lang talaga tawag ko sa kanya, ayun! Kalaro ko ng MMM Fingers tapos nung una edi 'di ko knows kung paano laruin yun. Alam mo ba kung anong ginawa niya, ha, Diary‽ HE HELD MY HAND WHILE PLAYING, DIARY! LIKE HE GUIDED MY FINGER SA GAME NA 'YUN!

I swear I was shaking! Nanginginig sa kilig! Nakakainis kasi, Diary! First time kong naranasan 'yun kaya kinikilig ako! Akala ko sa movies lang nangyayari 'yun, possible rin pala sa real life.

So ayun! Jusmiyo, iilang linggo pa lang ako rito tapos andami ko nang nagiging crush. Oh well, normal naman 'yun sa akin eh.

Isa pang normal sa akin? Kapag naging crush ko na ang isang tao, hindi ko na ulit sila nagiging crush. Kumbaga, you caught my attention, it's yours. If you lose it, there's no coming back.

Oh diba ang taray, Diary? Pero legit, 'di ko alam pero ganon ako eh. Kaya nga after nung pagkagusto ko kay Kaine, imposible nang bumalik 'yun.

Besides, there's a lot of guys sa school na pwedeng maging crush. So why settle for one?

'Yun lang naman, Diary! Hanggang sa uulitin! Babye! Goodnight!

Babaeng very very mahilig sa crush,

Zoe

Dear Goodbye... [COMPLETED]Onde as histórias ganham vida. Descobre agora