BLANK PAGES: ONE

14 0 0
                                    


BLANK PAGES: ONE

ZOE'S POV

When I opened my eyes, all I could see were white walls. I could smell medicine. Where am I?

"Ate! Ma! Gising na si Ate!" I could hear Zaina's voice.

"Zaina, tawagin mo ang doktor! Zoe? Zoe, anak, naririnig mo ba ako?" Mom kept on asking the same question.

Doktor? Bakit ako nasa ospital? Asaan si Kaine?

Ilang saglit lang ay may nakita akong nakaputi na lumapit sa akin. May dala siyang parang flashlight at itinapat sa mga mata ko.

"Ms. Elizalde, can you hear me?" Hinawakan ng doktor ang kamay ko. "Ms. Elizalde, try to squeeze my hand."

Sinunod ko naman ang sinabi niya kaya lang parang nanghihina ang mga kamay ko at hindi ko ganoon na higpitan ang pagkakahawak ko sa doktor.

May mga sinasabi pa ang doktor kela Mommy pero hindi ko na lubos na maintindihan. Isa lang ang tanong ko sa isip ko.

Nasaan si Kaine?

A week later, I could finally talk, and the first question that came out of my mouth was, "Nasaan si Kaine?"

My parents, as well as my sister, looked puzzled. Si Mommy ang unang nagsalita. "Sinong Kaine, Zoe?"

"'Yung... 'Yung kasama natin nung birthday ko. S-Sa Star City. 'Y-Yung kaibigan din ni K-Kuya."

Biglang tumayo si Dad at lumapit sa akin. "Anak, wala kang kuya."

Medyo natawa naman ako. "N-Not blood-related, Dad. Si Killian, r-remember? T-Tropa ko 'yun eh."

Mas mukha silang nag-aalala. "Ate, sino si Killian? Anong naalala mo?" tanong naman ni Zaina.

Napakunot naman ako ng noo. "A-Ano bang p-pinagsasasabi niyo? T-Teka, m-may diary ako, d-diba?"

Agad namang may kinuha si Zaina sa bag niyang nasa sofa. It was a notebook, just the same as my diary. This will show them what I was talking about.

Kinuha ko ang diary tsaka binuklat ito, only to be surprised with blank pages.

A-Anong... Anong ibig sabihin nito?

"Z-Zaina, ibang... ibang diary ata ito—"

"Ate, 'yan lang ang diary mo—"

"No! N-No! M-May diary ako na tungkol k-kay Kaine!" Imposibleng wala! Ibibigay ko pa kay Kaine 'yun! I'm going to confess everything to him. M-Magkikita pa kami!

"Ate, calm down. Calm down, please," Zaine begged.

Lumapit naman sa akin si Mom saka ako pinakalma. "Zoe... Walang... Walang Kaine, walang Killian, wala kang diary na may ganoong laman."

"M-Mom, believe me. M-Magkikita kami ni Kaine. S-Sinabi ko sa kanyang ibibigay ko sa kanya yung diary ko, Ma. P-Please naman oh. P-Pakihanap yung diary ko."

I kept repeating those words, those names... but nothing.

Mom continued telling me that they might've been just a creation of my imagination. My sister kept on asking me to calm down. And Dad just watched me with pity in his eyes.

We went on like that for almost a couple of weeks. Until one day, I have finally given up.

Dear Goodbye... [COMPLETED]Where stories live. Discover now