DREAM ENTRY #1

5 2 0
                                    


DREAM ENTRY #1

"Are you okay?" I heard Kaine's voice behind me.

Agad naman akong napaharap sa kanya saka ngumiti. "Oo naman. Bakit mo natanong?"

He shrugged. "Bakit? Masamang magtanong?"

I rolled my eyes. Tinatanong nang maayos, tapos tanong din ang isinagot. Akala ko pa naman concern siya. Tinalikuran ko na lang ulit siya saka nagpatuloy sa ginagawa ko.

"What are you doing?" tanong na naman niya.

I let out a sigh. For someone na may crush sa kanya, I wonder why I always get easily irritated with him.

I plastered a smile on my lips before I faced him. "I'm writing, why?"

Once again, he shrugged. "Just asking."

I flatly looked at him before asking, "Anong trip mo sa buhay?"

For the third time, he shrugged. "I don't know."

Hindi ko alam kung bakit pero nagsisimula na akong mainis. "Bored ka?" I asked him.

Umakto pa siya na parang nag-iisip bago tumingin sa akin. "Yeah."

"Edi matulog ka. Wala naman daw si Ma'am kaya legal matulog for one hour." Akmang babalik na ako sa ginagawa ko kanina nang may maalala ako. "May itatanong ka pa ba?"

He tilted his head to his left. "Yeah."

I couldn't help but raise an eyebrow. "And that is?"

"What are you writing?"

My eyes squinted. "Why ask?"

And of course, he shrugged. "Just curious."

"Sikretong malupet." With that, I turned my back on him.

Bumalik na ako sa pagsusulat sa diary ko nang mapansin kong nanahimik na siya. Argh! Dapat naka-focus ako dito eh! Nilingon ko siya at laking gulat ko nang makitang sobrang lapit ng mukha niya sa akin.

Nanlalaki ang mata ko habang nakatitig pa rin sa mga mata niya. B-Ba't ang lapit niya? "K-Kaine..."

Nakita kong may tiningnan siya sa likod ko pero hindi ko maalis ang tingin ko sa mga mata niya. I feel like I'm being hypnotized.

"Dear Diary?"

Napabalik naman ako sa wisyo dahil sa binanggit niya. Mabilis akong tumalikod sa kanya at akmang aabutin ang diary ko nang maunahan niya ako.

"Kaine! Ano ba?" pasigaw kong bulong sa kanya para hindi kami pagtinginan ng mga kaklase namin. "Give it back, Kaine. It's mine."

"I'm completely aware," he nonchalantly said.

Bubuksan na dapat niya ang diary ko nang bigla kong hilahin, unfortunately, his grip on it was tight. Hindi ko tuloy makuha ng buo.

"Let go, Kaine, or else," I warned him.

"Or else what?"

He had no emotion visible on his face but why do I still find him cute? Argh! Nakakainis!

"Or... Or else..." Come on, Zoe. Think of something.

Nagulat ako nang bigla niyang hilahin nang malakas ang diary ko, and since I also tightened my grip, nadamay ako sa pagkakahatak niya. Ang ending tuloy ay sumubsob ako may dibdib niya. Aray ko! Sakit nun ah! Tiningala ko siya saka na naman napatigil sa paghinga. Ilang beses bang maglalapit mga mukha namin ha‽

Lalayo na sana ako sa kanya when I suddenly felt his arm around my waist. Nag-panic naman ako nang mapansin kong papalapit nang papalapit ang mukha niya sa akin. I was just staring at him and then—

I WOKE UP!

Dear Goodbye... [COMPLETED]Where stories live. Discover now