DIARY ENTRY #14

3 1 0
                                    


DIARY ENTRY #14

Dear Diary,

Hey, I think...

I think...

I think I'll punch Kaine. Hard.

Really really hard.

Pinipikon na talaga ako ng taong 'to. Myghad! Crush ko ba talaga siya?

Anyways, ito na nga kasi, Diary. Para kasi siyang ewan. Ang hilig mang-asar kala mo nakakatuwa. Deh joke lang, Diary, kinikilig kaya ako sa pang-aasar niya. Sa sobrang kilig ko, gusto kong ihampas sa kanya yung blackboard namin.

Pero seryosong serious, Diary, inaasar niya ako na aminin ko sa kanyang crush ko siya. Anong kalokohan 'yun? Ako? Aamin? Ha! Asa siya! Plus I do have a plan.

Since third-quarter naman na, magkakaroon daw kami ng fusion. Parang booths booths ganon. Enjoy the whole day ganon daw.

Balita kong may jail booth, kaya ipapahuli ko yung crush ko. Angas ng plano ko 'no? Ganda ng way of confessing ko eh.

Or what if... Ipapahuli ko na lang siya para sa marriage booth? Parang mas gusto ko yung idea na ikasal ako sa kanya—hala ang harot.

Pero seryoso, Diary, ano ngang mas okay na way ng pag-confess? Gusto ko kasi yung unique. Alam mo namang 'di ko hilig ang simple kapag galing sa akin. I wanna be unique. Yung magiging memorable para sa tatanggap.

I don't know pero ang arte ko 'no? Pero feeling ko cute yung ikakasal kuno sa marriage booth. Nakita ko 'yun sa Wattpad eh, tapos kinikilig ako like Diary!

Anyways, bahala na nga. Basta ang gusto ko ay aamin ako ng pang-bonggahan. Since siya naman ang unang crush ko na tumagal ng ganito, gusto ko maging memorable hihi.

So ayun na nga, Diary. Talk to you next time kasi inaantok na ako at baka pumanget pa ang sulat ko kahiya naman sa biglang chismosang makikibasa.

Unique na nilalang,

Zoe

Dear Goodbye... [COMPLETED]Where stories live. Discover now