DIARY ENTRY #29

6 1 0
                                    


DIARY ENTRY #29

Dear Diary,

Double-sided tape. I never thought I would love that human creation so much.

Diba Diary, alam mo namang madalas akong may sira? Laging malakas ang trip ko? Like para laging may sapak ganon. Kung anong maisip, 'yun ang gagawin.

So ito na nga, kasi kanina, ansipag ng teacher namin—please, note the sarcasm. Anyway, ayun na nga, since masipag ang teacher namin ay invisible siyang nagtuturo sa klase. Ngayon ay chaos ang room, nagkanya-kanyang grupo, may mga nagja-jamming, may nagsusulat sa board, may tulog, may nagawa ng school work—sanaol GC—and then there's me, nakakita ng double-sided tape sa school supplies kaya iyon ang napagtripan.

Tapos ito na nga, pinagdididikitan ko si right hand ng tape tapos bigla akong mangra-random apir. Nung mga unang apir, madalas na babae ang mga inaapiran ko. Mas malapit kasi sila. Yung boys kasi nasa may likuran ng room, naglalaro sa phones nila.

Tapos, Diary! Bigla kong nakasalubong si Kaine! Wala na sana akong balak na apiran siya kasi bigla akong na-shy. So nalampasan ko na siya ng medyo nang biglang bumalik si lakas ng loob.

Jusko, diary! Tinawag ko lang naman siya saka nagsabing, "Kaine! High five!" Akala ko hindi siya makiki-trip kasi well... masyadong sosyalin—kumbaga high class ang tingin ko sa kanya. Kaya lang umapir siya, Diary! Saglit lang pero parang ayoko nang maghugas ng hands! Deh charot.

Though it doesn't end there, Diary! Listen carefully ha? I mean read carefully? Ah basta give me your attention, baby! So ayun na! Ako ang unang nag-part ng way, akala ko ganon din siya pero Diary! Bumalik ulit siya while saying, "Teka, ganito kasi 'yan." Inabot niya yung kamay kong may tape saka basta-bastang p-in-ress yung hand niya sa kamay ko, Diary! As in madiin, Diary! Na parang siya pa mismo yung may gustong magkadikit yung kamay namin, Diary!

I am so kinikilig, I wanna cry na, Diary! Bakit kasi 'di niya na lang ako diretsuhin na gusto niyang kaming mag-holding hands, edi sana araw-araw kong hawak kamay niya—charot lang! As if naman keri mo 'yun, Zoe.

Diary, nababaliw na naman ako. Napapadalas na yung pakikipag-usap ko kay self. Ang hilig kasing gumawa ng kalokohan eh, pinapagalitan tuloy ako ng sarili kong konsensya. Hay, ano ba 'yan! Napahaba na naman yung sinulat ko, nangangalay na yung kamay ko.

Akala ko ba self, one page na lang? 'Di ka rin marunong mag-keep ng sarili mong word eh. Hay! Nakukulangan na ata ako ng turnilyo sa ulo, Diary, at isisisi ko 'yun kay Kaine. Siya lang naman ang nagpabaliw sa akin nang ganito eh. Oh siya! Bye na nga!

Nagmamahal ng lubos, kahit minsan kapos,

Zoe

Dear Goodbye... [COMPLETED]Where stories live. Discover now