DIARY ENTRY #33

5 1 0
                                    


DIARY ENTRY #33

Dear Diary,

And here I go again, I'm writing another song about him. It's about my words to him. About what I said last summer break. That unforgettable conversation.

Hindi ko nasabi ito sayo noon kasi medyo gulo pa rin yung isip ko. Pero alam mo 'yun, Diary? A mixture of emotions eh. May part ko na kinikilig,—I mean sino bang hindi?—may part ko rin na nanghihinayang, may part ko na nagsasabing tama naman 'yung desisyon ko, pero may part din namang parang mali. Hay! Gulong-gulo na ako, Diary, to be honest.

Ganito kasi 'yun. Nung summer break, bale malapit na ang birthday ko, hindi kami magka-chat ni Kaine. Ghorl! Magkatext kami! But that's not the main point though. Ito kasi yun. P-in-rint ko pa screenshot niyan para sayo, Diary! Ganoon kita ka love!

On second thought, hindi pala kami bati ni printer. Kanina ko pa siya tinatry i-print kaya lang may lines-lines. Nako naman talaga! Kapag 'yan, nagganon sa school works ko, panget na naman kalalabasan ng pictures ko. Nako talaga!

Anyways, ita-type ko na lang. Bale ganito kasi yung nangyari:

Me: Normal naman ata talagang nami-miss kita, 'no?

Yes, Diary! Malakas ang loob ko!

Kaine: Maybe

Oh pak naman talaga sumagot crush ko 'no, Diary?

Me: Haaayyyy ang tagal naman magpasukan. Parang ngayon ko lang ginustong umiksi yung summer vacation.

Jusmiyo ka, Zoe. Ngayon pinagsisisihan ko na pinagsasasabi ko, Diary.

Kaine: I do have a question.

Ayan na! Kabahan ka na, Diary! Kasi kinakabahan na ako jusmiyo marimar aw!

Me: Ano?

Kaine: Would you let me court you?

Pwede mag-bad word, Diary? Pwede ba? Like pasigaw sana huhuness. My goodness graciousness!

Gusto kong mag-yes, Diary! Gustong-gusto ko! Jusmiyo, baka nga hindi lang ligaw-ligaw eh, kahit magtanong na siya ng "Will you marry me?" magy-yes ako eh. Deh joke lang, exagge much.

Pero ayun nga, gusto ko namang um-oo, kaya lang nasaktuhan akong katatapos lang kausapin ni mommy about sa relationships eh. So unfortunately, I had to say no.

Me: 'Wag muna. Aral muna tayo. Goal-goal muna. Pataasan ng grades, ganern!

I ended it like that, Diary. Nanghihinayang pa rin naman ako hanggang ngayon pero sana tama yung choice ko.

I hope he'll wait for me. I do hope so.

Just lost a chance,

Zoe

Dear Goodbye... [COMPLETED]Where stories live. Discover now