DIARY ENTRY # 9

14 2 0
                                    


DIARY ENTRY # 9

Dear Diary,

And I'm back, my dear Diary. Namiss mo ba ako? Kasi ikaw na-miss ko huhuness. Alam mo ba, Diary? Andami-dami kong kwento for you kasi gulong-gulo na ako sa aking self.

Naaalala mo ba yung sinabi ko sayong hindi ako umuulit ng crush, Diary? Simula elementary ganon ako, Diary, diba? Diba? So paki explain! Paki explain... bakit biglang akong nagkagusto kay Kaine dahil lang nakita ko siyang nakaputing shirt?

I'm pretty freaking sure na hindi 'yun ang unang beses na nagsuot siya ng puti pero bakit iba yung epekto sa akin ngayon?

Diary naman eh! Anong nangyayari? Katatapos ko lang kay Trenton, sabi ko kay self ayoko na muna ulit magka-crush kasi katulad ng napansin ko kay Trenton, mukhang kailangan palang maging kayo nung crush mo para lang tumagal—which I am not prepared.

SO BAKIT NGA AKO NAGKAKAGUSTO NGAYON KAY KAINE‽ Legit na malaking problema 'to, diary. It's the first time in my history na umulit ako ng crush. Anong nangyayari‽ At bakit bumalik dahil sa white shirt?

Wait, I could recall Mommy's words about guys looking good habang nakasuot ng white ng damit. BUT I NEVER THOUGHT THAT IT WOULD LOOK GREAT ON KAINE!

ANONG NANGYAYARI, DIARY? HELP PLEASE. I look so OA pero this is the very first-time kaya hindi ko talaga alam kung anong dapat gawin or sabihin or ikilos.

Nababaliw na ako, Diary. Pakireservan na ako ng slot sa mental hospital. I need help.

Calling 9-1-1,

Zoe

Dear Goodbye... [COMPLETED]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora