DIARY ENTRY #24

5 1 0
                                    


DIARY ENTRY #24

Dear WS,

Balik na ulit ako! Kay tagal ng aking paglisan—charot, pagsulat kasi. Anyways, ayun nga may sasabihin ako sayong hindi ko kayang sabihin sa personal kasi tss.

Ang galing ng ka-partner ko kanina sa seatwork, tuwang-tuwa ako pero isa lang ang ayoko. Partner kayo ni Presi! Bakit kaya hindi ko naisip na posible 'yun‽ I mean seatmates kayo, obviously mas madali nga naman kung ang kapartner mo eh yung katabi mo na, diba? DIBA‽ Pero kasi... hayst! Never mind.

Don't worry. Hindi ako ganun ka-selos, okay lang... okay lang naman ako... Wala 'to. 'Wag lang siyang masyadong malapit sayo, okay na ako. Tama. 'Wag masyadong malapit. May sarili naman siyang desk sa upuan kaya mag-settle siya roon. Nawa'y ganon din ang gawin mo. Hayst talaga!

Good luck sa practice mo! Perform well! Kaya mo 'yan, ikaw pa ba? Mayabang ka naman, panindigan mo 'yan. Charot lang, WS ko.

Also, sana lang hindi pa siya deads sa isip ko. You know who I'm talking about. Though naka-ready na yung hukay niya plus kabaong with matching flowers, biscuits, and coffee sa aking mind. Hay! Ang bait-bait ko talaga! Bye na nga. Magsama kayo ng partner mo. Tss.

Hindi nagseselos pero nagp-plot na ng murder,

Zoe

Dear Goodbye... [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon