DIARY ENTRY #32

5 0 0
                                    


DIARY ENTRY #32

Dear Diary,

Okay fine, I'm still happy. Nagkakasama pa rin naman kaming magt-tropa kada lunch eh. Biglang nawala ang pag-aalala ko nung isang araw kasi sabay-sabay pa rin naman kaming nakain, tapos nakakapagkwentuhan pa kami.

Siguro katulad nung summer vacation eh pangtatag lang din ng kung anong meron kami, pati na rin syempre yung friendship namin. Nagkukumustahan kami kung anong klaseng adviser yung meron sila, ganon. Tapos may ilang subjects pa kami na magkakaiba ng teachers kaya pinagko-compare namin.

In short, masaya pa rin naman kahit iba-ibang section. And wala pa naman akong nababalitaang may ibang gusto si Kaine hehe. So safe pa naman ang "siya at ako" dahil wala pa namang "kami" ganern.

So far, wala naman masyadong nangyayari pa. Hindi ko na rin siya ganoon napapanaginipan kaya medyo sad. Actually, parati ngang black panaginip ko eh. Oh well, 'yun na lang muna, Diary. Magre-review muna iz me kasi may quizzes kami bukas eh. Nagsabi pa naman ako noon kay Kaine na study first ako. Nakakahiya naman kung puro bagsak ako, diba? So ayun na nga, babye muna! Write on you next time!

Hindi na praning, medyo na lang,

Zoe 

Dear Goodbye... [COMPLETED]Where stories live. Discover now