DIARY ENTRY #7

9 3 0
                                    


DIARY ENTRY #7

Dear Diary,

Ahm... Diary? Sorry kung ilang linggo akong 'di nakapag-sulat. I had a minor worry lang naman.

I mean the Field trip was fun. Really really fun. Nag-enjoy naman kami. Nakalimutan ko pa ngang isama sa last entry ko na pupunta rin kami ng Ocean Park eh. Ang ganda roon. May nagsasayaw na water, tapos ang mga kasama ko nun eh sina Emmett, Malcolm, Killian, Kaine, at Trenton. Oh, diba? One of the boys na naman ang gimik ko.

Tapos ayun, the best pa rin ang EK. Sumakay kami sa EKstreme tower at ang angas nun. Sumakay din kami sa mala-Vikings nila, na hindi ko na uulitin kahit kelan dahil nahilo lang ako. Though parang ewan sila Kaine kasi kinakanta nila yung school hymn habang nakasakay. 'Di ko tuloy alam kung hihimatayin ako o matatawa. Then gusto ko sanang mag-Space Shuttle kaya lang kaazar ang aking height. Then after that, nag-Rio Grande kami kasama si Kuya Den, basang-basa sila pero chillax lang ako. Tapos para matuyo, nagyaya ako sa Flying Fiesta na gusto ko sanang ulit-ulitin kaya lang mahaba ang pila kaya give chance to others naman.

Tapos ayun, humiwalay kami ni Trenton sa iba pa naming mga kasama. Gusto ko pa nga mag-picture kasi minsan lang ako makapunta sa EK kaya lang nakakahiya namang magpa-picture kay Trenton 'no. Ano pa ba, Diary?

Ah... 'di rin ako nakabili ng keychains for Mommy kasi legit, Diary, napaka-awkward. Mukha siyang date na hindi date kasi field trip na ewan ko kung ano 'yun basta sure akong awkward.

And then nung pabalik na kami sa bus, Trenton asked me kung pwede niya ba akong akbayan. If I'm not mistaken, pwede naman talagang umakbay ang tao sa kaibigan niya diba, Diary? Edi pumayag ako. Kanina nga sa ocean park inaakbayan ako ni Kuya Den tsaka nung isa ko pang kaibigan na si Jax eh. Kaya lang ayun, nakita ko yung isa naming kaklaseng si Idris na nakita kaming ganon tapos yung ngiti niya mukhang alam ko kung ano. So pagpasok namin sa bus, as expected, they were teasing us.

Tapos ayun, pabalik na kami and pagod ako so I wanted to sleep kaya lang malapit na akong makatulog tapos bigla kong naramdamang hinawakan yung kamay ko under my pillow. Eh ang katabi ko nun eh si Trenton so... siya na naman ang humawak ng kamay ko. Nakakarami na siya ah, mukha ba kaming magjowa? Nagka-crush naman ako nung elem pero never nangyari 'yun. Okay lang sana kung nagtanong siya kung pwedeng hawakan kamay ko but nope.

I'm supposed to be kilig, tama ba, Diary? Pero bakit nairita ako? So ayun! Nakipag-exchange ako ng upuan kay Kit. Doon ako sa tabi ni Kuya Den umupo saka nakigulo. Feeling ko kasi ako na yung sumosobra. I don't want mom to think differently of me. She trusted me nang pumayag siyang makatabi ko si Trenton, tapos parang sinisira ko yung tiwala niya dahil sa nangyayari. Naiirita na ako sa sarili ko, Diary.

Actually, okay pa naman kami after that field trip. Sinurprise ko pa nga siya sa room nung birthday niya eh. I even gave him a little teddy bear. So yung mga kaklase namin, inaassume na kami na.

Hanggang sa one day, ginusto na nga niya maging kami. He asked me through chats. Hindi ko pinaalam kay Mommy kasi for sure 'di niya magugustuhan 'yun. Kaya naman ni-reject ko si Trenton.

Weird ba, Diary? Ayoko lang naman na ma-disappoint si Mommy sa akin kasi alam ko yung view niya sa mga kabatch ko na nagkakaroon ng boyfriend agad eh. Ayokong maging ganon ang tingin sa akin ni Mommy kaya humindi ako kay Trenton.

After that, mas naging awkward ako sa kanya. Kinakausap pa rin naman niya ako about it pero ayoko talaga. Kaya mas naasar ako. Hindi ba pwedeng hintayin niya na lang ako hanggang sa maging pwede na ako? Mukha atang hindi so 'wag na lang. Ang sabi ni Mommy, love can wait. Pero mukhang 'di niya kayang maghintay kaya... ayoko na nga, diary. Andrama ko na eh, nababasa ka tuloy. Sa susunod na lang ulit. Inaantok na ako eh. Goodnight, Diary.

Zoe

Dear Goodbye... [COMPLETED]Where stories live. Discover now