DIARY ENTRY #40

6 0 0
                                    


DIARY ENTRY #40

Dear Diary,

Music. Love Song. Own Song. At mukhang alam ko na ang kulang sa kanta ko noon.

I have actually written this song last year, kaya lang hindi ko matapos-tapos noon, and then this project—performance task, rather, happened.

Kailangan daw namin magsulat ng sariling kanta, a love song to be exact, and my group mates were all staring at me.

Yes, I do write songs, but what the hell? To actually perform it as a school project? Jusmiyo marimar.

Ang ending tuloy eh isa sa mga kanta ko ang ipe-present namin. It's called, 'Di Sigurado and up until now, HINDI AKO SIGURADO kung ipapatuloy ko sa mga kagrupo ko 'tong kanta.

Kung hindi lang siguro sa lupet ng electric guitar cover na sinubukan ng isa sa mga kagrupo ko eh ipahihinto ko talaga 'tong kalokohang ito.

Tapos ito pa, Diary. Okay na sana kami sa kanta. Verse one, pre-chorus, chorus, verse two, pre-chorus ulit, then chorus ulit. Eh kaya lang nalaman ng mga kagrupo ko sa kabilang grupo na may bridge dapat.

Aba jusmiyo, nasa loob ako ng tricycle papauwi, kinailangan kong magsulat ng bridge kasi kinabukasan ang last practice at uwian ang presentation. Nakakaloka, Diary sinasabi ko sayo.

So eto na nga, be the judge ha? Nasa susunod na page ang lyrics ng kanta. Ikaw na ang humatol ng mabilisang bridge ko, jusko talaga.

Ayy idadagdag ko na dahil hindi ko maiwasang matawa kanina nung ginawa namin.

Sa corridor kasi kami nagpa-practice—I mean yung grupo namin—eh diba nabanggit ko na sayong kabilang room lang sila Kaine? Hayun! Since alam ng mga kagrupo ko kung para kanino yung kanta, jusko! Nilalakasan nila ang mga boses nila kapag nasa hugot lyrics na raw.

Feeling naman nila eh naririnig sila ni Kaine. Mga may topak din eh, 'no Diary?

Anyway, ito na nga. Bye na at judge the lyrics na. Adios!

Nasisiraan na ng utak,

Zoe

Dear Goodbye... [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon