DIARY ENTRY #10

4 2 0
                                    


DIARY ENTRY #10

Dear Diary,

Confirmed.

I'm telling you, Diary. Confirmed.

Confirmed na crush ko na ulit si Kaine.

I... I can't believe what I was doing. DIARY, I'M STALKING HIS FACEBOOK ACCOUNT A WHILE AGO! WHAT THE HECK‽

At hindi lang 'yun, Diary. Ilang beses akong napatitig sa kanya sa room kanina. Laking pasasalamat ko na nga lang na hindi niya ako nahuhuli kasi nare-realize ko kaagad na nakatitig na pala ako eh.

Pero recap muna, Diary, iba na ang gusto ni Trenton and wala akong pakialam. Ang weird. Weird talaga. Wala talaga akong maramdamang pake. Am I bad? Eh 'yun talaga yung nararamdaman ko eh.

Kaya nga kainis kapag tinatanong ako ng iba kong mga kaklase kung kamusta daw ako? Kung okay lang ba raw sa akin, eh wala nga akong maramdaman. Anong gusto nila? Magsinungaling ako't magdrama na kesehodang "OMG! Ang sakit sakit. I can't help it." With matching iyak? Oh spare me.

He couldn't wait, edi don't. Bata pa ako, marami pang pwedeng mangyari sa mundo. Relationships shouldn't be my topmost concern in the meantime.

And since I'm done with Trenton, bumalik tayo sa problema ko sa ngayon.

KAAZAR KA, KAINE! ANONG TRIP MO SA LIFE AT DINADAMAY MO 'KO? BAKIT CRUSH ULIT KITA‽ ANONG MERON SAYO?

Tanong ako nang tanong pero 'di niya naman masasagot hayst! Bahala na nga. 'Wag ko munang i-big deal. Naguguluhan pa rin naman ako so no to confession, edi no to worries. Diba, Diary? Diba?

Legit na naiiyak na,

Zoe

Dear Goodbye... [COMPLETED]Where stories live. Discover now