DIARY ENTRY #25

4 1 0
                                    


DIARY ENTRY #25

Dear Diary,

Babalik na ako sayo, Diary. Huhuness. Kahit papano ay nasasabi ko na kay Kaine yung feelings ko, kaya no need na yung ginagawa ko these past few days.

Anyways, namiss kita! At andami kong kwento sayo kasi isang linggo rin akong hindi nakapagsulat 'no!

So ayun nga, Diary. Teka kinikilig ako! So ESP time naman tapos wala si Ma'am. So inurong yung chairs sa pinakagilid, ganern. Tapos huhuness. So nasa pinakagilid akong chair, katabi ko yung wall. Ang alam ko kasi nun ay may quiz kami sa subject na 'yun at baka male-late lang si Ma'am, kaya naman nag-review na lang ako.

Hawak ko yung module at hindi ko finlat sa desk kasi trip ko. Plus nasa may likuran ko kaya yung isa pang magjowa sa room namin, kahiya naman sa kanila kung makikita ko yung ka-sweetan nila sa isa't isa 'no. Ayoko ring ma-distract.

So ayun na nga, I was holding one side up tapos tapos tapos! Biglang lumapit sa akin si Kaine at umupo sa katabi kong chair. Eh Diary, nakaharap ako sa direksyon na 'yun para naman maayos ang pwesto pero ayun huhu mas na-distract ako.

Instead of moving away, I stayed sa pwesto na 'yun. Kaya lang nagulat ako nang biglang ipatong ni Kaine yung elbows niya sa desk ko, specifically sa module ko saka ipinatong sa kamay niya yung baba niya. Like, CAN YOU IMAGINE IT, DIARY?

Tapos napa-angat ako ng head, of course. Then hindi pa ata siya na-satisfy kasi inilapit niya pa yung mukha niya sa akin. TAPOS TAPOS TAPOS! I could hear our classmates teasing. Saka ko lang na-realize na mukha pala kaming nagki-kiss kasi nakaharang yung module sa view nila.

LIKE AAAAHHH! I wish! Charot one-fourth hehehe. DIARY! Gusto ko sanang first kiss ko ay first boyfriend ko, kaya lang ayoko pang magka-boyfriend PERO KUNG SI KAINE LANG DIN NAMAN ANG FIRST KISS, PWEDENG-PWEDE! Joke ulit! One-eighth huehehe.

Mababaliw na talaga ako, Diary. Kailangan ko na talagang magpa-check up. Hindi nga ako nagpa-sway noon kay Trenton eh, syempre hindi rin pwede kay Kaine. I mean we're still kids, andami pang pwedeng mangyari kaya 'wag munang mamroblema sa love life.

I am happy with what Kaine and I have. I'm really really happy. Kaya sana, sana hindi matapos. I hope he won't get tired of me, kasi for sure, I won't get tired of him.

Aish! Sobrang cheesy na, Zoe! Bukas na nga ulit! Gagawa muna ako ng assignments ko. Goodnight, Diary!

Hoping for the best,

Zoe

Dear Goodbye... [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon