DIARY ENTRY #18

3 1 0
                                    


DIARY ENTRY #18

Dear WS,

Sorry kung ang tagal kong hindi nakapagsulat sayo, ha? Halos limang araw ha! Peace tayo! Truth to be told, namiss kong magsulat dito, kaya lang masaya ka rin namang kausap sa chat at sa personal. Minsan nga naguguluhan ako eh. Nahihiya ako sayo at the same time I'm comfortable enough to be crazy in front of you. Weird 'no?

Right! I was shamelessly staring at you a while ago, forgive me if it makes you feel uncomfortable. It's just that... Looking at you makes me feel at ease. Para kang garden filled with colorful flowers and then nandoon si haring araw pero hindi gaanong kainit, tapos maraming ulap at may rainbow pa. I'm being weird again, right? Peace.

So, smile ka lang ha? Ang cute-cute mo 'pag naka-smile eh. Saka... hehehe... yung flowers na emoji. Ang cute nung way na 'yun ha! Alam mo bang nakatitig sa akin si Zaina kasi raw naka-ngisi raw ako at mukha akong baliw. She even accused me of having a boyfriend! Payag ka non, WS? Payag kang hanggang boyfriend lang? Charot hihi.

Oh, by the way, itago mo na yung mga mata mo. Bumibilis lagi yung tibok ng puso ko tapos nahihirapan akong huminga. Feeling ko tuloy kapag tinagalan mo pa yung pagtitig sa akin, magkakasakit na ako. Baka bigla akong magka-asthma huhuness. Deh joke lang. Gandang-ganda kaya ako sa mga mata mo, to be honest. Kaya itago mo 'yan ha? Aangkinin ko na talaga 'yan.

Tapos... si Kit... ang lapit ng mukha mo sa kanya kaninang Filipino time ha! Hindi naman sa nagseselos ako. Wala naman akong karapatang magselos, you're not mine to begin with, and most importantly, I can't let you be mine. Not this early. Pero sana marunong kayong makaramdam ng taong masama ang titig sa inyo—charot lang talaga. 'Yun lang! Bye!

P.S. I'm not jealous.

Babaeng walang kaselos-selos sa katawan,

Zoe

Dear Goodbye... [COMPLETED]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant