DIARY ENTRY #15

4 0 0
                                    


DIARY ENTRY #15

Dear Diary,

I

Hate—kunwari kayang i-hate

Kaine.

Diary! Dinaya niya ako, Diary! Ano 'yun? Ba't ganon? Bakit kasi ang kulit-kulit eh! Nakakaasar!

Diary! Huhuhu sira na plano ko huhuhu. Bigla akong umamin, Diary. Nakakaiyak. Sayang ang aking effort ng aking mind ko, Diary. Bakit ganon siya? Huhuness.

Hindi natuloy yung panaginip ko, Diary! Naiiyak na talaga ako. Ang ganda-ganda ng panaginip ko eh tapos mauuwi lang sa wala huhuness, Diary!

Minsan talaga ang sarap niyang isumpa, Diary. Huhuness! Yung panaginip ko! Super very mega over sayang! Paano na 'yun matutupad? Nakakaiyak na talaga, Diary!

Nakakainis pero bahala na. Ayun na eh. Though 'di ko maitanggi na ang cute niya habang nang aasar. 'Yung feeling na kapag natawa siya, nawawala nang tuluyan yung mga mata niya—deh legit nga!

Tapos parang tuwang-tuwa siya kapag naaasar niya ako. Paano ba 'yan, Diary? Mukhang happiness na ako ni Kaine. Charot—pero sana true.

Anyways, wala naman masyadong ganap ngayon, Diary, maliban sa unexpected kong pag-amin. Sayang tuloy talaga yung pakasal-kasal effect. 'Di ko man lang mararanasan yung mala-kilig moment sa mga Wattpad stories. Kainis kasi 'tong si Kaine eh.

So ayun na nga, Diary! Babye na muna. Gagawa na muna ako ng assignments ko. Hay! Ano na kaya ang mangyayari bukas? Paano ko kaya haharapin si Kaine? Hayst naman talaga! Andami na ngang isipin sa school, dadagdag pa eh!

Pero seryoso, Diary—Ay! Ano ba? Kanina pa ako nagbababye eh. Tss. Hindi ko naman kasi maka-usap yung kapatid ko tungkol sa ganito at baka sabihin kay Mommy, kaya ikaw lang ang kakwentuhan ko, Diary.

Ay! Nakakausap ko rin pala si Kuya about this. Lalo na kapag kinikilig ako kay Kaine tapos 'di ko na kayang pigilan, laging nandoon si Killian para makinig. Buti na nga lang at mabait ako eh, hindi ko siya ganong hinahampas kapag kinikilig ako—sinasapak lang sa braso ehehehe.

Pero ayun nga kasi, Diary! Andaldal-daldal eh! Pero alam mo ba, Diary? World record ko na siya. Third quarter na tapos ni hindi man lang nababawasan yung pagkaka-crush ko sa kanya, feeling ko nga nadagdagan pa eh.

Imagine! Naiinis ako sa pagiging mapang-asar niya sa akin pero ni hindi man lang ako na-turn off. Truth to be told, mas nagustuhan ko pa yung maloko niyang side.

I like him more when he laughs and smiles because of me. Para kasing greatest achievement kapag napangiti ko siya. Nakakagaan ng pakiramdam.

Alam mo, Diary? Ang daldal mo! Grabe istorbo. Gagawa na nga ako ng school work! Babye na talaga—OMG! Nag-message si Kaine! Babye na talaga!

May crush lang noon, kachat na ngayon,

Zoe

Dear Goodbye... [COMPLETED]Where stories live. Discover now