THE DAY

16 0 0
                                    


THE DAY

ZOE'S POV

"Basta mag-iingat ka, Zoe, ha? Ingat sa kalsada," paalala ni Mommy.

"Ako pa ba, Ma? Sobrang ingat ko ho kaya magmaneho," nakangisi kong sabi habang inilalabas ang motor ko.

"Tigilan mo 'ko, Zoelie." Napangiwi ako nang banggitin ni Mom ang first name ko. "Alam kong nagmana ka sa tatay mo, kaya nga kita pinapaalalahanan, diba?"

Napakamot na lang ako ng batok ko bago ako ngumiti kay Mom. "Yes po, Ma! Alis na ho ako." Isinuot ko na ang helmet ko at binuhay ang motor

"Ingat, Zoe," sigaw ni Mom mula sa loob ng bahay.

Kumaway na lang ako bilang signal ng pagbabye bago pinaandar ang motor.

Napag-usapan na namin 'to nila Kuya na pupunta kami sa kanila ni Lim kapag available na ang lahat. But before I could go there, susunduin ko pa pala si Lim sa may McDo.

Mas pinabilis ko pa ang pagmamaneho hanggang sa makarating ako sa parking area ng McDo at tinanggal na ang suot kong helmet. I fixed my hair before I took a glance at the fast food chain.

From my place, kitang-kita ko ang nasa loob dahil sa laki ng window ng McDo. Fortunately unfortunate, I can see Lim with his mom. Mukhang hinatid siya ah.

Hindi na ako pumasok sa loob dahil nakita ko naman na silang tumayo at papalabas na ng kainan.

Good morning po, mommy-in-law. "Good morning po, Mrs. Lim," bati ko sa mommy niya nang makalapit sila sa pwesto ko.

"Good morning," she replied bago tumingin sa anak niya. "I better get going. I still have a meeting. Take care."

Tumango lang naman si Lim at tuluyan nang umalis ang mommy niya. Grabe! Nakakakaba naman ang magiging mommy-in-law ko.

Inalis ko na ang tingin ko kay Mrs. Lim at lumingon na sa kasama ko. Nahuli ko naman siyang nakatingin sa akin, pero hindi kami nag-imikan. Ang awkward kaya!

Inabot ko na lang sa kanya ang dala kong extrang helmet saka ako sumakay. Nang makasampa na siya ay sinigurado ko munang nakakapit na siya sa balikat ko bago ko pinaandar papunta kila kuya.

Malapit lang naman yung bahay nila. Ilang minuto lang ay nasa tapat na kami nila. Binusinahan ko lang naman saka ko nakita si Kuya na binubuksan na yung gate nila para maipasok ko ang motor sa loob.

"Sinong nagsabing pwede kayo rito?" bungad sa akin ni Kuya nang mahubad ko ang helmet ko at tuluyan na kaming makababa mula sa motor.

"Syempre ako," nakangisi kong sagot sa kanya saka dire-diretsong pumasok ng bahay nila na para bang doon ako nakatira. I quickly saw the real reason why I went there. "Hello, my babies!" I spread my arms.

Sabay silang napalingon sa pwesto ko saka ngumiti. "Ate Zoe!" sabay nilang sigaw bago sila tumakbo papalapit sa akin.

"Hala! Baka madapa kayo!" natatawa kong sabi. Agad ko silang niyakap and they did the same. Nang magsawa kaming tatlo ay bahagya kaming lumayo sa isa't isa. "Kumusta kayo? Na-miss ko kayo nang sobra."

"We missed you too, a6te," Bridgette was the first one to reply.

"How are you, Ate?" Destinee asked.

Mas lalo namang lumaki ang ngiti ko. Aren't they the cutest? Sasagutin ko na sana si Des nang mapansin kong pumasok na sa bahay sila kuya at Lim. 'Di ko naman na sila pinansin at tinuloy na lang ang pakikipag-usap sa dalawang bata hanggang sa makita ko si Tita na pababa.

Dear Goodbye... [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon