DIARY ENTRY #31

4 0 0
                                    


DIARY ENTRY #31

Dear Diary,

A new school year has just begun and I don't like it. Diary! Naiiyak ako! Magkaiba kami ng section ni Kaine! I mean magkatabi lang naman yung room namin pero iba pa rin kapag nasa iisang room lang kami, diba?

Nakakainis naman si destiny eh. Mahirap ba yung wish ko na makasama siya? Nakakatakot kaya kapag ibang section na. Nakikita ko kasi yung ibang mga kaklase noon na magjojowa, tapos the next year, since hindi na sila magkaklase, nakipag-break sila. Iba na ang gusto nila.

Sa "something" na meron kami ngayon ni Kaine, imposibleng hindi siya makakilala ng "mas" sa akin. Mas maganda, mas mabait, mas matalino, mas magaling mag-joke, mas mapapasaya siya, mas... mas gugustuhin niya.

You know how low my self-confidence is, Diary. At sa mga nakikita kong kaklase niya, andaming "mas" kaya mas natatakot ako. Ayokong mawala yung meron siya para sa akin. Hindi ko alam kung bakit ganito ako pero I'm being selfish. I want him for myself even if I cannot give him what he might want, which is a label.

Paano kung may ibang babaeng makapagbigay nun sa kanya sa section nila? Ugh! Ayoko na mag-overthink!

Badtrip kaya natulog na lang,

Zoe

Dear Goodbye... [COMPLETED]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang