Chapter 2 - Pretty

4.8K 196 43
                                    


"Pret, kasasabi lang sa akin ni Brian na nariyan si Kuya Cliff. Nakasalubong daw niya kanina. Nag-jo-jogging. May kasama raw na mga lalaki. Mukhang mga kasamahan sa army," nag-aalalang salita ni Abby.

Nasa Bulacan siya para i-deliver ang cake na order ng pinsan para sa birthday ng anak nito na si Carl. Nasa Pavillion sila ng resort kung saan gaganapin ang party.

Kuya ang tawag ng pinsan niya kay Clifford dahil pinsan ito ni Brian, ang asawa ni Abby. Kaya nga nagkakilala sina Brian at Abby ay dahil minsang nagpahatid si Clifford sa kanila at si Brian ang driver.

Nagkibit-balikat lang siya at itinuloy ang pag-i-skirt sa telang siyang magiging mantel ng cake table. Graduate siya ng BSHRM kaya maalam siya nito.

Hindi naman niya trabaho talaga iyon dahil may kinuhang caterer si Abby na siya na ring dapat gagawa noon. So happen na kilala niya ang caterer dahil madalas na nakakasama na rin niya sa mga event, kaya nakasanayan na niyang tumulong sa mga ito basta may maitutulong lang din siya. Maliit lang naman ang mundo nilang mga event suppliers kaya pinapanatili niyang maayos ang relasyon niya sa lahat ng nakakasama sa event. Hindi na rin kasi bago sa kanila ang recommendations kaya mas magandang maayos talaga ang relasyon niya sa ibang kasama sa industriya nila. At maliit lang din naman ang cake table kaya inako na niya at sinabing ang buffet table na lang ang asikasuhin ng mga ito.

"Hindi ka na affected? Naka move-on ka na talaga sa kanya?" ani Abby. Humigit ito ng monoblock chair at naupo sa tabi niya.

"Sus! Syempre naman. Move on, move on din kapag may time. At marami akong time. That was such a long time ago. Eighteenth birthday ko ng huli kaming magkita and that was like five years ago. Four more months and it would be six years ago na rin," kunwa'y balewalang sagot niya.

"So, okay lang sa iyo na magkita kayo mamaya? In-invite daw ni Brian na um-attend, eh," nananantiyang tanong ni Abby.

Alam niyang nag-aalala ang pinsan sa mararamdaman niya dahil ito ang nakakita nang pag-iyak niya noong eighteenth birthday niya. Bago siya mag-debut ay masasabi niyang close naman silang dalawa ni Abby kahit na matanda ito sa kanya ng kulang dalawang taon. Hindi lang niya ito tinatawag na ate dahil mas matanda siya sa dugo. At ayaw din naman niyang magpatawag ng ate dito kaya first name basis sila.

Mas naging sobrang close silang dalawa pagkatapos nitong masaksihan ang pag-iyak niya sa labas ng venue. Mula noon ay ito ang naging takbuhan niya. Ito rin ang laging nagtitimbre sa kanya kapag umuuwi si Clifford kaya nagagawa niyang umiwas sa tuwing may okasyon at alam niyang dataring ang binata.

"Nagkita na kami kagabi pa sa kasal ng mistah nila ni Kuya Gab," aniya habang nakatitig sa tela na nilalagyan ng aspili.

"Anong naramdaman mo?"

Muli siyang nagkibit-balikat. She is still coming to terms with the anger and hurt that crept in her heart last night. At hindi madali iyon lalo na't hindi niya akalain na masasaktan pa rin siya. But that hurt helped her devise a plan.

Nang hindi siya sumagot ay tumikhim si Abby, "Ang nasabi sa akin ni Brian ay walang girlfriend ngayon si Kuya Cliff. At dahil hindi ko sinasagot si Brigitte ay kay Brian nag-chat. Hinihingi daw ang mobile number ni Kuya Clifford." Disdain in Abby's voice.

Umangat ang kilay niya, "Really?"

A bitter taste filled her mouth. Seeing Clifford yesterday, and now hearing that girl's name made her angrier even more. Hindi kasama sa plano niya si Brigitte. Pero kung ganitong gusto nitong muling mapalapit kay Clifford ay mas maganda. Pretzhel smirked. Hindi masasayang ang effort niya. Jackpot kung sakali. Hitting two birds and one stone.

"Oo. Pero hindi ipinabigay ni Kuya Cliff ang number niya. Siya ang humingi ng number ni Brigitte."

Lalong umangat ang kilay ni Pretzhel.

MISSION 3: Claiming YouWhere stories live. Discover now