Chapter 49 - Jubilant

6.6K 274 197
                                    


"Congratulations, mga anak," ani Papa Ron. Maging si Mama Nellie ay bumati sa kanila.

Tapos na ang program ng wedding reception nila pero bago ang send off sa kanila ni Pretzhel ay lumapit ang mga magulang nila.

"Ikaw na ang bahala sa kay Pretzhel, Clifford. Ingatan mo siya," ani Papa Ron na tinapik siya sa balikat habang ang asawa niya ay nakayapos pa sa ina nito.

"Makakaasa kayo, Papa Ron."

"Hindi niyo ako maitataboy, Papa. I'm not ready to give up my room. I will be staying with you every now and then. Lalo na kapag matatagalan bago makauwi si Clifford," singit ni Pretzhel bago yumapos sa ama nito.

Napangiti si Papa Ron, "Wala naman akong pagbibigyan ng kwarto mo, anak. Mananatiling sa iyo iyon," anito na masuyong nginitian ang anak saka hinalikan sa noo.

"Ako naman!" ani Riah na niyapos kaagad ang asawa niya ng bitawan ito ni Papa Ron.

"Sales," panimula ni Gabriel habang mahigpit na kumamay sa kanya. "Alam kong may kahinaan at kapintasan ang kapatid ko, pero alam ko ring mas marami higit ang magagandang katangian niya. Maayos mo siyang kinuha sa amin, at oras na makita kong nagdurusa ang kapatid ko dahil sa iyo ay mananagot ka, Sales. Maliwanag ba?"

Clifford smirked. "Maliwanag, Kuya."

Gabriel grimaced, "Shit! Ang awkward pakinggan galing sa'yo. That would take a lot of time getting used to."

They grinned at one another. Parehas lang silang mag-a-adjust dahil maging si Clifford ay sanay na first name lang ang tawag kay Gabriel.

Nang bumaling siya ay napapalibutan na ng mga babae si Pretzhel. Riah, Mama Nellie, his mom and Lola Ada. Pero bago pa siya makalapit muli sa asawa ay may tumapik sa balikat niya. Nang lumingon siya ay ang ama niya at si Lolo Gener ang magkasamang lumapit.

"Congratulations, apo," bakas ang kaligayahang bati ng abuelo.

"Salamat, Lolo."

"Looking forward na akong mag-alaga ng apo, Cliff," panimula naman ng nakangiting ama niya.

Ngumiti si Clifford. Of course, maging siya ay looking forward maging ama. Alam ng Diyos kung gaano niya kagustong mabuntis na si Pretzhel. At alam din niya kung gaano kagusto ni Pretzhel na madalang-tao na rin. Siya mismo ang saksi kung paano ito maging emosyonal noong huling pumunta sila sa condo noong isang buwan. Kaya nga na-frustrate siya na kung kailan niya gustong-gustong makasama si Pret para bumuo ng anak nila ay saka naman ito nawalan ng oras para doon.

Pagkatapos ng house blessing nila ay hindi na rin sila nakabalik doon dahil sa kagustuhan na rin ni Pretzhel. Maging ang weekends na madalas na naubos na magkasama sila ay hindi na rin nila nagawa. Ayon dito ay marami pa itong dapat ayusin bago ang kasal nila, na lubha naman niyang ipinagtaka, lalo na't may wedding coordinator naman sila.

Noong una ay inisip niyang baka may kinalaman ang biglang pagbabago ng nakasanayan na niyang schedule sa "bonding trip" nina Pret at ng mommy niya. Baka may kung ano na namang nasabi ang mommy niya na magpabago ng isip ni Pretzhel. But he ruled that out immediately. Lalo na nang malaman na maging si Lola Ada at Mama Nellie ay minsan nakasama rin ni Pretzhel sa sumunod na "bonding trip" na iyon. Nang mag-usisa siya ay gusto lang daw ng mga ito na maibsan ang stress na kaakibat ng paghahanda sa kasal kaya madalas na lumalabas kasama si Pretzhel.

At wala rin siyang nagawa nang hindi na halos niya makasama si Pretzhel tuwing weekend. Ayaw niyang pumayag noong una pero kahit anong reklamo niya ay wala siyang kakampi at sinabihan pang kailangan niyang sumunod dahil sa customs at traditions daw iyon - katulad ng hindi sila kaagad makapagpakasal ni Pretzhel dahil magsusukob daw sa taon.

MISSION 3: Claiming YouWhere stories live. Discover now