Chapter 39 - Captured

2.7K 176 54
                                    


"Put me down, Sales!" Pretzhel ordered as she twisted and turned in his arms.

"I will, sweetheart, I will," Clifford answered as he briskly walked along the wooden dock.

"I won't forgive you! Kung inaakala mong makikinig ako sa kahit anong sasabihin mo'y magkakamali ka! At kung noon ay hindi kita kinasuhan ng kidnapping, ngayon ay kakasuhan na talaga kita!"

"Hindi sana tayo hahantong sa ganito kung nakinig ka lang kaagad sa akin, sweetheart. You see? I'm so desperate to talk to you. At naalala kong binigyan mo lang ako ng pagkakataong makausap ka nang maayos noong na-corner na kita," ani Clifford na humakhang na sa Aft deck. Naroon si Jasper na siyang nagbukas ng pinto papasok sa salon. Ito na rin mismo ang nagsara noon.

"If you think I'll listen to what you'll say, you're wrong!" ani Pretzhel habang tuloy sa pagpiglas. Pero natigilan siya at napatingin sa labas ng yate. Nakatakas lahat ng blinds niyon kaya kitang-kita niya ang labas. And her suspicion was confirmed.

They left the dock!

"Sales!" Pretzhel shouted angrily at the top of her lungs.

"Stop struggling and listen to me, sweetheart. Dahil kapag hindi kita naibalik sa Casita ninyo hanggang mamaya, bukas na bukas din ay dapat na Sales na ang apelyido mo. Iyan ang usapan namin ni Papa Ron!" Clifford declared as he put her on the sofa.

Pretzhel was rendered immobile for a few seconds. Her eyes wide, unbelieving. Clifford used that moment to untie her.

Nanliit ang mga mata ni Pretzhel. Nang makawala ay itinulak niya si Clifford, " I don't believe you!" Tumakbo siyang palabas ng salon pero hindi niya mabuksan ng glass door.

"It's locked sweetheart. At nasa cabin ko lang ang susi."

Pretzhel faced Clifford. She's about to give him a kick in the groin but Clifford caught her legs even before she lifted it. "Not again, sweetheart, and definitely not there. Gagawa pa tayo nang maraming-maraming Sales."

Pretzhel's anger only mounted higher. "Gumawa ka ng maraming Sales na mag-isa mo! I won't be your plaything! I hate you!"

She shoved him as hard as she could before she bolted towards the owner's cabin. Pagpasok doon ay inilock niya ang pinto.

She made a quick survey of the huge cabin. Looking for possible areas where he could possibly stash the keys. Pretzhel groaned. Naalala ang pinanood na walk through video ng Leopard noon. Napakaraming cabinets at compartment sa loob ng owner's cabin.

Pero imbes na panghinaan ng loob ay mas dapat na magmadali siya. The longer it takes to find the key, the farther they get to the dock.

Unang binuksan ni Pretzhel ang kabinet sa tabi ng queen-sized bed. Literal na binungkal niya iyon. Hinagis sa sahig ang kahit na anong mahawakan. Nang hindi makita ang hinahanap ay ang compartment sa ilalim ng kama ang binuksan niya. Hinalungkat at inihagis din palabas ang laman, na puro linens. Nang walang makita ay hindi na niya pinag-aksaya ng oras na ibalik ang mga bed sheets, blankets at towel.

Ang cabinet naman ang pinagdiskitahan niya. Rows of military uniform, long sleeves, coats, shirts, pants were inside. Hinawi niya ito. Nang walang makita ay ang kabilang cabinet ang binuksan. T-shirts, sando, shorts, underwear naman ang laman.

At nabuhayan ng loob si Pretzhel nang makakita siya ng box. Kinuha niya iyon at binuksan. A watch, Clifford's bullring and dog tag. Isasara na sana niya iyon nang matigilan. Ipinatong niya sa kama ang box pero kinuha niya ang dog tag. Tinitigan ang crucifix na pendant na kasama nito.

Was this her gift to him on his graduation day?

Pretzhel shook her head. Baka katulad lang. Mag-aalahas sina Clifford, pero siya ay walang alam pagdating doon. For all she know, baka imbes na silver ay white gold pala itong hawak niya.

MISSION 3: Claiming YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon