Chapter 35 - Evasive

2.4K 163 53
                                    

"Buti pinayagan ka ni Kuya Gab na mawala sa paningin niya?" tanong ni Pretzhel habang nakasakay sila sa golf cart papunta sa Casita kung saan sila magpa-practice ng sayaw. 

Bukas na ang kasal ni Riah sa kuya niya pero ito ang unang practice nila na magkakasama, though alam naman na ng mga bridesmaid ang step. Nag-video siya noong isang buwan at ipinadala iyon sa mga bridesmaid at kay Riah para mapag-aralan.

"Ang sabi ko'y may personal treat ako sa iyo for doing us a huge favor arranging our wedding. Gusto ngang sumama, sabi ko lang ay girls only treat ito. Sa susunod na lang siya sumama," sagot ni Riah.

"Buti binili ni Kuya ang alibi mo."

Ngumiti si Riah. Imbes na sagot ay binuksan nito ang bag, may kinuhang parihabang box, binuksan iyon saka iniharap sa kanya. 

A necklace with a solitaire pendant, and stud earrings. 

"Ate, you shouldn't have! Bukal sa puso ko ang pagtulong na iyon. Wala akong hinihinging kapalit," aniya na ayaw kunin ang box na iniabot nito. 

"Para sa iyo talaga iyan." 

"This is too much, Ate Riah! A simple card with a thank you note in it would suffice."

Kinuha ni Riah ang kamay niya at ipinatong doon ang regalo. "Isipin mo na lang na this year, wala ka nang matatanggap na gift sa amin ng kuya mo. Birthday gift, hanggang Christmas gift na naming dalawa sa'yo 'yan. Okay?"

Niyuko niya ang alahas na hawak."Pero, Ate-" 

"Walang pero-pero. Just accept it," putol ni Riah sa sasabihin niya. "Nakita ko kasi sa isa sa mga uploaded pictures mo sa IG na may diamond bracelet ka in bezel setting, kaya naisip kong regaluhan ka rin ng necklace and earrings na kapartner. You can wear them tomorrow for my wedding."

Nakagat ni Pretzhel ang labi. Pain sliced her heart. She can wear the earrings and necklace, of course. But not the bracelet. Dala naman niya iyon, pero wala siyang planong isuot. Actually ay ibabalik niya. 

"What's the matter, Pret?"

"Huh?" Mula sa pagkakayuko sa alahas ay bumaling siya kay Riah. 

"What's bothering you?" Riah probed, watching her closely. 

"Nothing," Pretzhel answered with a big smile on her face. 

Pero nanatiling nakatitig sa kanya si Riah. "Alam kong may problema, Pret. Napapansin ko iyon tuwing kausap kita, kahit sa video chat lang. I can feel that something is bothering you. At mas nakumpirma ko iyon kahapon nang makaharap kita. Your eyes, they don't have the same mischievous glint. You're smiling but your eyes look sad and lonely, Pret."

Huminga ng malalim si Pretzhel. Nag-alalangan siyang sabihin kay Riah ang totoo. Hindi dahil wala siyang tiwala dito o dahil natatakot siyang sabihin nito sa kuya niya. Nag-aalangan lang siya dahil sa timing. For sure kasi na masasaktan din ito para sa kanya. And Pret doesn't like that. Kasal nito at dapat na maging masaya ito. 

"Well, since you noticed, aamin na ako. Wag ka lang sanang magalit, ha. At pauunahan na kita, masaya naman ako at gusto talaga kitang sister-in-law. Pero allow me to wallow in a little misery and jealousy, if you may. I'm a bit sad because Kuya Gab haven't been visiting me. Laging ikaw ang kasama. Nasanay kasi akong ako ang priority niya."

"Okay. I'll buy that." Ngumiti si Riah, hinawakan ang kamay niya at pinisil. "Basta kapag ready ka nang sabihin sa akin ang totoong dahilan kung bakit ka malungkot, just let me know. Kahit nasa matrimonial bed kami ng kuya mo, pupunta ako sa iyo."

Pretzhel's eyes suddenly becomes teary. Yumapos siya kay Riah at bumulong. "Thank you, Ate."

Riah didn't say a thing, just hug her back tightly. Pagkatapos noon ay nagbitaw sila at sabay tumawa habang nagpupunas ng luha sa gilid ng mga mata. 

MISSION 3: Claiming YouWhere stories live. Discover now