Chapter 44 - Beloved

3.2K 198 92
                                    


"Kasalanan mo 'tong lahat, Clifford! Hindi ka man lang gumanti, Bok!" reklamo ni Ace habang nakasalampak sa pinong buhangin. "Sumuntok ka rin sana kada tama ni Gabriel sa 'yo! Six thousand 'yon, Bok! Six thousand ang katumbas nang dalawang suntok na parehas mo lang sinalo!"

Nasa tapat na sila ng beachside casita nila. Mula pag-alis nila sa yate, hanggang sa makarating sa casita ay galit na galit pa rin ang Kuya Gabriel niya. Kaninang dumating sila ay pumasok sila sa loob para kausapin ang mga magulang, pero pagkatapos niyang magbihis ay itinaboy sila ni Papa Ron palabas. Ito na raw muna ang kakausap sa kuya niya at ipapatawag na lang sila ni Clifford kapag kailangan na.

Kaya ngayon ay nasa labas pa sila kausap ang ibang mistah ni Cliff, habang ang kuya niya, pati si Ate Riah ay kausap pa rin ng mga magulang nila. Nasa ilalim sila ng dalawang beach umbrella. Sila ni Clifford ang umookupa sa isang beach lounge chair. Nakasandal siya sa dibdib ni Cliff habang nakayapos ito sa kanya. Si Eugene naman ay prenteng nakahiga sa kabilang lounge chair, hindi mabura sa labi ang nasisiyahang ngiti. Si Timothy ay nakatayo. Sinabihan nito kanina si Eugene na si Jillian ang paupuin sa lounge chair pero tumanggi ang babae. Okay na raw ito sa posisyon. Nakatayo rin ito habang nakayapos si Jason mula sa likuran, ang baba ni Jason ay nakapatong sa balikat ng asawa.

"Nagpapasalamat naman ako kay Gabriel. Ako sana ang magbabayad, ang ending ako pa ang naka-isang libo!" tatawa-tawang sagot ni Eugene.

Umiling si Timothy. "Malala kayong dalawa. Nakuha niyo pa talagang pagpustahan 'tong dalawa?"

Umismid si Clifford. Humigpit ang kapit sa baywang niya. "Ano pa bang aasahan mo sa dalawang 'yan?"

Ngumisi si Ace. "Hindi naman kayong dalawa totally ang pinagpustahan namin. Ako, confident ako na masisilo mo si Pretzhel. I know you, my man!" anito na tinuro pa si Clifford.

Napailing si Pretzhel kasabay ng pag-ikot ng mga mata. "I can't wait for karma to bite your behind, Kuya Ace."

"Isama mo na rin si Eugene. Pareho nila kayong pinagpustahan ni Clifford, 'di ba?" paglilinaw ni Jillian na nailing din.

Jason snorted. "Parehas may sapot sa utak ang dalawang 'yan, eh. Kasunod ni Gabriel sa pagiging defective."

"Anong karma? Walang karma-karma at hindi naman masama ang intensyon ng pustahan namin!" depensa ni Eugene.

"Ang pinagpustahan namin ay kung kailan mangyayari ang kiss and make-up ng dalawang 'yan. Kung ngayong kasal ba nina Gab at Riah dito sa Amanpulo. Ako sa meron, itong si Eugene, sa wala. Diyes mil nga dapat. Tumawad lang itong si Cordova kaya naging limang libo na lang. Kung hindi nabago ang diyes mil na original pusta, eh, 'di may kukubrahin sana akong apat na libo pa," dagdag paliwanag ni Ace.

Umismid si Eugene. "Ikaw rin naman tumawad sa pusta. 'Di ba noong nagsasagutan pa lang sina Gab at Cliff sa Facebook, may usapan na tayo na kada tatamang suntok, five thousand? Humirit ka na tatlong libo kada suntok kaya bawi lang tayo."

"Hindi bawi, lugi ako," reklamo pa rin ni Ace. Tumingin ito kay Clifford. "Teka nga! Bok, dahil sinadya mong hindi gumanti man lang at saluhin 'yong dalawang suntok ni Gab, dapat ikaw ang magbayad ng isang libo rito," anito na itinuro si Eugene.

Clifford snorted. "'Wag n'yo nga akong idamay sa kalokohan n'yo."

Imbes na sumagot ay tumayo si Ace at humakbang palapit sa babaeng naglalakad sa tabi ng beach. The girl has long, straight black hair and has an hourglass figure. "Danielle?"

Lumingon sa gawi nila ang babae. Kita ang gulat sa mukha nito. "Ace! How are you?" anito na nakipagkamay kay Ace. An intricate handshake. Pagkatapos niyon ay sinikmuraang bigla si Ace.

MISSION 3: Claiming YouWhere stories live. Discover now