Chapter 6 - Love Story

3.4K 160 36
                                    

Nanlaki ang mga mata ni Pretzhel kasabay ng pag-init ng mukha.

"Sinasabi mo diyan? Umayos ka nga, Clifford!" singhal niya sa lalaki.

Ngumiti si Clifford. Namulsa ito. "Totoo naman iyon, di ba? Unang araw pa nga lang na nagkita tayo, sinabi mo na sa akin na hindi mo ako tatawaging kuya kasi gusto mo ako. And until now, first name pa rin ang tawag mo sa akin. Ibig sabihin hanggang ngayon, gusto mo ako."

Humalukipkip si Pretzhel saka pinaikot ang mga mata, "Ang babaw mo. Kung iyon ang batayan mo, eh di sige, Kuya Clifford na ang itatawag ko sa iyo mula ngayon."

Clifford grinned. "Tinawag din na Kuya ni Lola si Lolo bago naging sila."

Pretzhel made a face, "Ay, kagaling din! Walang suutan sa iyo."

The grin in his face widened, "Nasukol na ba kita, Pretty?"

Tumaas ang kilay ni Pretzhel. "Sige. Mangarap ka pa. Libre naman iyan," nakairap na sagot niya.  

Naaaliw na tumawa ang matanda, "Para ngang nakikita ko ang sarili namin ni Ada sa inyo. Ganyan din siya sa akin noon. Minsa'y nagmamaldita para lang lambingin ko."

Bumagsak ang panga ni Prethel pero si Clifford ay naaaliw na tumawa. "Hindi naman namin intensyon ni Pret, pero parang uulitin namin ang love story ninyo ni Lola." Pagkasabi noon ay kumindat pa ito sa kanya. 

Napamaang si Pretzhel, kasabay nang lalong pag-init ng mukha. Di yata't masyado itong pangahas ngayon porque nasa teritoryo siya nito. 

"Excuse me lang, ha. As far as I know, walang tayo. Kaya anong love story ang pinagsasasabi mo diyan?" nakataas ang kilay na tanong niya. 

"Wala bang tayo? Ipapaalala ko lang na minsang hinalikan mo ako," nanunudyong salita ng hudyo. "Hindi pala minsan. Dalawang beses iyon, Pretty."

Nanliit ang mga mata ni Pretzhel. Nagmamartsa siya palapit sa lalaki. Nakakuyom ang kamay niya nang tumayo sa mismong harap nito. "Excuse me! Anong dalawa? Hindi counted 'yong una! Ikaw kaya ang may gawa kaya lumapat ang labi ko sa iyo. At saka kiss ba iyon? Wala pa nga yatang five seconds na magkalapat ang labi natin!" 

Clifford's eyes twinkled with excitement. "Seven seconds. Binilang ko."

Napamaang siya, "You're impossible! Binibilang mo ang segundo na may kahalikan ka?"

Nagkibit-balikat ito. "Every second counts," anito saka kumindat sa kanya.

Nangtagis ang ngipin ni Pretzhel. "Whatever! Hindi pa rin kiss iyon para sa akin kasi wala namang tongue involved!" taas-noong sagot niya. 

Clifford chuckled, clearly enjoying her reaction. "Okay. Noted. Tongue needed. Pero bawing-bawi naman sa ikalawa. Hanggang second base, narating ko, di ba?"

Nanlaki ang mga mata niya kasabay ng pag-awang ng labi. She's desperately searching for words to deny what he said but she can't find the right words. 

Because what he said was the absolute truth. 

And the amusement and excitement in Clifford's eyes and smile agitated her further. Her blood rushed to her face when Clifford's eyes went down and looked intently at her breasts. And her treacherous body reacted! Her nipples hardened! 

"I hate you!" sigaw niya kasabay ng pag-cross ng kamay sa tapat ng dibdib. 

"You hate me? You love me, Pretty. You love me so damn much you offered your body to me. At kung hindi ako tumigil noon ay naka-homerun sana ako."

Pakiramdam ni Pretzhel ay nanlamig ang buong katawan niya. Namanhid. She looked at him for several seconds, unmoving. 

Of course, he stopped! Why wouldn't he? He doesn't want her! She's not attractive enough to arouse him. She doesn't have the right body size. She is full of baby fats. 

MISSION 3: Claiming YouWhere stories live. Discover now