Chapter 19 - Sweetheart

3.1K 169 44
                                    

Nang bumaba si Clifford sa kotse ay nakangiting sumalubong dito si Brigitte. Iniabot ang kamay sa lalaki. Inabot iyon ni Clifford, na gumanti rin ng ngiti rito. Nakatakas ang kilay na binuksan niya ang pintuan sa gawi niya. Pero bago pa siya makababa ay nakalapit na kaagad sa kanya si Clifford.

"Sa susunod ay ibigay mo sa akin ang pagkakataong ipagbukas ka ng pintuan, Pretty," wika nito. Inilipat ang isang kamay sa ibaba ng likod niya bilang pag-alalay.

"Bakit pa? Kaya ko namang magbukas ng pinto mag-isa," balewalang sagot ni Pretzhel.

"Hayaan mo namang maipakita ko sa iyo ang isa sa mga bagay na isinasabuhay ng mga tulad kong uniformed personnel - we are first and foremost gentlemen."

"Okay. Sige. Next time," sagot niya. Tumingin siya sa babaeng  dinatnan nila roon. Nginitian niya ito. "Hello, Brigitte. Nice to see you again," Pretzhel greeted with fake enthusiasm.

Hindi kaagad ito sumagot dahil busy ito sa pag-oobserba sa kanya. Pinasadahan nito ng tingin ang kabuuan niya. Nang muling tumingin sa mga mata niya ay naroon ang kumpiyansa. Halata pa nga ang pangmamaliit sa kanya.

Sabagay, ano nga ba naman ang laban ng high waisted tattered boyfriend jeans, loose fitting shirt crop top at sneakers na suot  niya, sa attire nito?

"Hello, Pretzhel. You'd changed so much. Muntik na kitang hindi nakilala. Ilang taon na ba noong huli kitang nakita? Debut mo noon, tama?"

"Oo. That was almost six years ago," tugon niya kasunod ng kibit-balikat.

"Yeah. I remembered. You looked so... cute in your gown back then," anito kasunod nang pagtawa. Muli nitong pinasadahan ng tingin ang katawan niya. "But it's nice you were able to loose some weight. But you'll look a whole lot better if you'd loose some more. You're still on the heavy side. And it won't hurt if you'll study fashion. Study designs that would give the illusion that you got the right curves," balewalang dagdag nito.

Umangat ang kilay ni Pretzhel.

"Nah. I beg to disagree. There's no need for any of that. Pretzhel is beautiful just the way she is," Clifford interjected. He playfully winked at her.

Pretzhel tried to suppress her smile but she failed. Pinaikot na lang niya ang mga mata at iningusan ito.

Tumikhim si Brigitte. Nang bumaling sila sa babae ay matamis itong ngumiti. Inayos ng babae ang buhok at iniipit ang ilang hibla sa likod ng tenga. Maging ang button down sleeveless blouse at mini skirt na suot nito ay inayos din. Gusto nga sana niyang punahin na ibotones nito ang damit dahil kita halos ang kalahati ng dibdib nito. Labas maging ang itaas na parte ng bra. At naka stiletto heels pa talaga gayong nasa gitna sila ng kawalan!

But who is she to judge? Baka naman kaya ganito ang get-up ni Brigitte ay may girls night out sa bar mamaya.

Pretzhel chuckled.

Deep inside ay alam naman kasi niya ang tunay na rason kung bakit ganito ang ayos ng dalaga. Hindi naman ito magre-red lipstick nang walang dahilan.

"I'm glad you came early, Clifford," malambing na wika nito. Ang matamis na ngiti sa labi ay nakaguhit pa rin. Maging ang mga mata nito ay biglang namungay.

Umarko man pataas ang isang kilay ni Pretzhel ay hindi naman niya napigilan ang pagguhit ng ngiti sa labi.

"Oo. Gusto ko rin kasing makapili ng magandang lote."

"Great! Let's start then." Inilatag nito ang mapa sa trunk ng kotse. Nang makalapit sila doon ni Clifford ay mag-umpisa nang magturo sa mapa ang babae. "We're here. And these are the initial lots that I told you about, Clifford." Tumingin ito sa lalaking katabi niya at matamis na ngumiti. Bahagya pa itong yumukod.

MISSION 3: Claiming YouWhere stories live. Discover now