Chapter 3 - Jealousy

4.2K 188 40
                                    

Ibinaba ni Pretzhel ang bintana at nginitian ang lalaki na nagbukas ng gate para sa kanya. "Thanks, Luke."

Ngumiti lang ito at kumindat sa kanya.

Pero napalitan ng kunot ng noo ang ngiti sa labi ni Pretzhel nang tuluyang maipasok sa compound ang kotse niya. A Fortuner occupied her usual parking spot. May garahe naman sila, pero usually ay weekend lang niya ipina-park doon ang kotse. Kapag ganitong weekdays ay sa tapat ng bahay na lang siya usual nagpa-park dahil aalis din naman kaagad siya the following day.

Dahil nakaparada doon ang hindi pamilyar na sasakyan ay napilitan siyang idiretso sa garahe ang sasakyan niya. Baka sa bisita o manliligaw ng isa sa pinsan niya iyon. Maaabala pa siya pag-aalis na ito kung sa likod ng sasakyan niya ipa-park ang kotse niya.

Sumulyap siya sa dashboard. Six fifty-five. Tiyak na tatanungin siya ng pamilya niya kung bakit siya ginabi. At kung mabilis kausap ang parents niya, tiyak na kay Kuya Gab siya mahihirapang magpaliwanag.

Nang maitigil ang kotse ay inabot niya ang backpack sa backseat ay saka lumabas ng sasakyan. Pero pagbaba niya ng kotse ay napakunot-noo siya. Maingay sa loob ng bahay nila. May tawanan siyang naririnig.

"Ako ang magpapaliwanang kina Tita Nellie at Tito Ron. Tiyak nagtataka sila kung bakit tayo ginabi," ani Lucas na lumapit sa kanya.

"Hindi na kailangan, Luke. At saka nadiyan ang kuya ko," aniya na napangiwi pa. "For sure na katakot-takot na tanong ang aabutin mo sa kanya."

Nagkibit-balikat ito."Okay lang. Mas okay nga iyon para maipakita ko sa kuya mo na malinis ang intensyon ko sa iyo," sagot nito na inabot ang backpack na dala niya.

College pa lang ay kilala na niya si Lucas. Member ito ng dance crew na sinalihan niya noong college. While she received several raised eyebrows at first, Lucas belonged to selected few who believed she can be a good addition to the crew.

"Bahala ka. Don't tell me I didn't warn you," sagot ni Pretzhel saka nagpaunang papasok sa bahay nila.

Pagtulak niya ng screen door ay tumingin sa kanya lahat ng tao na nasa sala.

"Hi, Pet!" bati ni Kuya Ace. At hindi lang ito ang naroon, maging sina Timothy, Eugene at Clifford.

"Hello, mga kuya," nakangiting bati niya sa mga ito. "Napasyal kayo?"

She forgot when was the last time this group visited their home. As in 'yong halos kompleto sila. Tanging si Kuya Jason lang ang wala, which is understandable dahil nasa honeymoon ito.

"Dadayuhin namin ang kuya mo. Madaya, eh. Hindi pumunta sa Bulacan kahapon kahit t-in-ext at tinatawagan namin. Hindi sumasagot," nailing na dagdag ni Kuya Timothy.

Tumango siya at ngumiti. "May inasikaso si Kuya kahapon kaya hindi nakasama sa Bulacan."

Bago sila umalis kahapon ay sinabi nitong hindi ito sasama dahil darating daw ang gagawa ng bintana sa bahay nina Tita Odessa. Ito raw ang mag-a-assist kaya hindi makakasama. At hindi malilimutan ni Pretzhel ang kislap sa mga mata ng kuya niya nang tudyuin niyang si Redge naman talaga ang dahilan kaya ayaw nitong umalis sa kanila.

"At saka break-in na rin muna namin ang bagong oto nito," ani Eugene na sumulyap pa kay Clifford.

Ang lalaki naman ay tahimik lang na nakatitig sa kanya. Pinasadahan nito ng tingin ang kabuuan niya.

Pretzhel is wearing a high waist denim shorts paired with a red floral off-the-shoulder midriff. Naka flip-flops lang siya. Sa ulo niya ay ang salamin na siyang naging headband.

Nagkibit-balikat lang siya. Nilingon ang lalaking kasunod niyang pumasok sa bahay. "Mga kuya, si Lucas nga pala. Luke, mga mistah ng kuya ko, sina Kuya Timothy, Ace, Eugene at Clifford. Tanda mo ba sila?"

MISSION 3: Claiming YouWhere stories live. Discover now