Chapter 21 - Priceless

3.1K 170 44
                                    

"Hanggang ngayon ba'y wala pa ka ring tiwala sa akin, sweetheart?" ani Clifford habang nakatitig sa kanya. Bakas sa mga mata nito ang pagsusumamo. "Ano pa ba ang kailangan kong gawin para lang maniwala ka?"

Nasa gilid sila ng bahay nila at ni Tita Odessa, sa ilalim ng puno ng mangga. Nasa malapad na duyan sila. Katatapos lang nilang maghapunan. Kanina pa sila magkasama si Clifford pero humihiram pa sila ng ilang sandali bago umuwi sa Bulacan si Cliff. Bukas ay babalik na rin ito sa detachment sa Albay.

Magkaharap sila ni Clifford. Nakasandal sa tigkabilang dulo ng jungle hammock. Ang mga paa nila ay nakalawit sa tig kabilang bahagi rin ng duyan. Bukod sa mga bituwin ay ang malamlam na ilaw sa gilid ng dalawang bahay ang tanglaw nila.

Umaagaw sa katahimikan ng gabi ang manaka-nakang tawanan ng mga pinsan niyang nag-iinuman sa loob ng compound. Pagdating pa lang nila kaninang pasado alas sais, pagkatapos nilang magsimba, ay dinatnan na nilang nag-iinuman ang mga pinsan. Niyaya ng mga ito si Clifford pero tumangi ang binata. Idinahilan nito na hindi pa kumakain.

Umalis si Clifford sa pagkakasandal sa dulo ng duyan at umusod sa gawin niya. Hinagip nito ang kamay niya at hinalikan. "Inaamin ko naman na guilty ako dun sa hindi pagtupad sa mga nabitawan kong pangako. Pero noon iyon. Isinusumpa ko na lahat nang ipapangko ko ngayon, tutuparin ko na. Cross my heart," sumpa nito na talagang sumenyas pa ng cross sa tapat ng dibdib.

Pagkagaling nila sa Anvaya ay pinangatawanan niya na break na sila ng binata. At ang mga araw na lumipas, hanggang ngayong paalis na ito, ay walang ginawa si Clifford kundi suyuin siya. Lahat ng kaanak niya, at maging mga kaanak ni Clifford ay alam na nililigawan siya ng binata.

Kung meron mang hindi natutuwa sa panunuyo sa kanya ni Clifford ay tanging ang Kuya Gabriel lang niya.

Nagkausap na rin sila ni Abby. Naikwento na niya rito ang paliwanag ni Clifford, at maging ang nangyari noong nagkaharap sila ni Brigitte sa Anvaya. Kung may hindi man siya sinabi sa pinsan ay ang pagpunta nila at ang muntik nang nangyari sa loob ng condo ni Clifford.

Ang totoo ay hindi naman niya talaga planong makipag-break kaagad sa binata matapos itong sagutin. Talaga lang na-disappoint siya sa sinabi nito. Pero mas lamang ang pagka-guilty, dahil technically, na-break naman talaga niya ang pangako sa pamilya.

Pero ang mga nakalipas na araw ay nagbigay ng pagkakataon sa kanya na makita kung gaano kadesidido si Clifford. Ginawa nito ang lahat para mapatunayan na seryoso ito sa panliligaw sa kanya. At nagkaroon din siya ng oras na makapag-isip. Oo nga't na-guilty siya na hindi tumupad sa pangako sa pamilya, pero wala siyang madamang pagsisisi. In fact, she's willing to break that promise all over again.

That's how much she loves Clifford.

"Please, sweetheart. Okay lang kahit hindi tayo magkabalikan bago ako umalis, basta sabihin mo lang na naniniwala at nagtitilawala ka sa akin," anito na lalong lumapit sa kanya. Hinaplos nito ang pisngi niya. Bakas ang panunuyo maging sa mga mata.

"Nangangako ako na hinding-hindi kita sasaktan, sweetheart. Wala akong gagawin na pwede mong ikagalit. Kung ayaw mong i-announce ang relasyon natin, okay lang. Basta ang mahalaga, alam kong tayong dalawa." Itinaas ni Clifford ang kamay niya at muling hinalikan habang nakatitig sa mga mata niya.

"Payag ka nang itago ang relasyon natin?"

Nagliwanag ang mukha ni Clifford.

"Kung sakali?" dagdag na tanong ni Pretzhel.

Kaagad na ngumiti si Clifford para itago ang disappointment. "Anim na buwan lang naman, di ba?"

Tumango siya. Kinagat niya ang dila para pigilan ang pagngiti.

MISSION 3: Claiming YouWhere stories live. Discover now