Chapter 15 - Lured

3.3K 157 43
                                    

"Hi, girl! Where you at na?" Ang tinig ni Nicolette ang pumuno sa kotse niya. Dahil nagda-drive ay ini-loud speaker niya ang tawag nito.

Kahapon ay naka-receive siya ng tawag mula sa babae. Nicolette badly needed her help again daw. Nicolette will be throwing a surprise birthday party for her best friend and she's asking if she can bake a cake. Just a simple cake with flower design and a dozen cupcakes will do raw.

Matapos ang photo shoot niya sa mga dress creation nito ay naging close na siya sa babae. If fact, this is not the first time Nicolette ordered a cake from her. Nakilala na nga rin niya ang ilan sa mga kaibigan nito nang minsang mag-deliver siya ng urgent cake na request nito, in the very same location, kaya ngayon pa lang ay sure siyang sa yate na naman tiyak ang birthday celebration.

"I'm already at SBMA na. More or less three minutes away from the yacth club," bigay-alam niya sa babae.

"Okay. You'll arrive earlier than anticipated pala." Alas tres ang usapan nilang delivery time niya sa cake, pero mas maaga siyang natapos kaya nagdesisyon na rin siyang i-deliver na iyon.

"Yeah. Ganito naman talaga kami. Mas gusto naming maagang natatapos. It's okay to under promised and over deliver, than the other way around," tugon niya. Tanaw na niya ang mga naka-dock na yate. Gumilid na siya at nag-signal na kakaliwa nang matanaw ang main building ng yacth club.

"Yeah. I agree. Anyway, let me make some calls lang as I am not yet around. I'll tell Captain Cyrus that you're there na so he can instruct the crew to assist you. Thank you, girl! I owe you! Mwah!" anito bago nawala sa linya.

Napangiti siya nang marinig ang pangalan ng captain. Tama siya. Sa yate nga ulit ang party. Aboard a catamaran yacth that took her breath away when she first saw it.

She'd met the three-men crew in her first visit in the club. She was even given a change of a walk through on the yacth, saved the owner's cabin. Off limits daw iyon, maging sa mga nagre-rent ng yate. Tanging ang dalawang guests cabins ang napasok niya. She was so fascinated by the yacth that she even researched about the boat. Gusto rin niyang makita, kahit virtually, kung ano ang itsura ng owner's cabin na hindi niya napasok.

Pero dahil sa research na iyon ay nalula rin siya sa presyo ng Leopard 53 Catamaran Yacth. Even the rental of that yacth literally cost a fortune!

Ibinaba niya ang bintana at sumilip sa lumapit na security guard. "Pretzhel Rosales. I'm here to deliver a cake."

Tumango ang security guard. He relayed her name on the guard at the outpost. "Welcome to Subic Bay Yacth Club, Ma'am," anito kasabay ng pagbukas ng gate.

"Thank you," nakangiting tugon niya bago tuluyang ipinasok ang kotse.

Ipinarada niya ang kotse sa unang parking slot na nakita. Pagkababa ay lumigid siya sa likuran para kunin ang dalawang box na nasa back seat. Una niyang kinuha ang cupcakes. Nang sumilip siya sa loob ng box ay okay naman iyon. Which is no surprise dahil extra ingat naman talaga siya kanina habang nagda-drive. Ipinatong muna niya sa bubong ng kotse ang cupcakes at kasunod na kinuha ang box ng one-tiered cake.

"Ako na po, Ms. Pretzhel," ani Jasper, isa sa tatlong crew ng yate. Iniabot niya rito ang cake pero siya ang nagdala ng box ng cupcakes.

Tahimik silang lumakad papunta sa dock. O mas tama yatang sabihin na walang panahong magsalita si Pretzhel. Mas gusto na lang niyang titigan ang mga nilalampsan nilang yate. She's fascinated by them. Iba-ibang yari. Iba-ibang laki.

Nasa gawing dulo ng dock ang yate na pupuntahan nila. The magnificence of that powercat caught her breath again. Noong una siyang nakapasok dito ay napansin na niyang maganda ang maintenance niyon. At nang mag-research siya ay nalaman niyang for sure na maganda ngang talaga dahil recently lang ito naging available sa market.

MISSION 3: Claiming YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon