Chapter 12 - Getting To Know

2.9K 173 69
                                    

"You're far more handsome in person than in your photos," aniya kay Jordan matapos itong titigan. Kakukuha lang niya ng pagkain. Pero imbes na kumain ay inuna niyang titigan ang lalaking kasama sa lamesa.

Ang kutsarang isusubo na sana ni Jordan ay na-suspend sa ere. Ilang sandali itong tumitig sa kanya. Hindi niya iniiwas ang mga mata. Mas lalo pa nga niyang tinitigan ang binata.

"Uhm. Thanks, I guess?" Jordan uttered, an unsure smile on his lips.

"And you are adorable when you're confused," Pretzhel snickered. Sumubo siya nang pagkain habang nakatingin pa rin sa lalaki.

Tumawa si Jordan, "Thanks. Kahit na hindi ko alam kung natutuwa ka, impressed o na-turn off ka na sa akin." Pagkasalita nito ay sumubo na rin ng pagkain.

"I am impressed. You earned my respect na nga, eh. Basta tuloy mo lang ang plano mo na mag-serve sa army. Maganda 'yon," aniya na muling sumubo ng pagkain.

And she really was impressed. At alam niya na magiging maganda ang samahan nila ni Jordan. Her gut feel told her so.

Jordan smiled. And his eyes smiled together with his lips. He really is very easy on the eye.

"Kailan ka babalik sa Cebu?"

"Bukas ng hapon. Bakit mo naitanong?"

"Di ba nga, sabi ko kanina na may research akong ginagawa. At seryoso ako dun sa sinabi ko na ikaw ang i-interview-hin ko. Pwede ka ba bukas ng umaga? We can do the question and answer in an informal way naman. Para lang tayong nagkukuwentuhan."

"Eh di ngayon mo na ako interview-hin," suhestiyon nito.

Nalukot ang mukha ni Pretzhel. "Not the proper time and venue for the types of questions I have in mind."

May ngiting unti-unting gumuhit sa labi ni Jordan, "Dapat ba akong kabahan sa mga itatanong mo, Pret?"

Ngumiti si Pretzhel, "Hindi naman. For sure na masasagot mo ang mga tanong ko. Actually, tingin ko'y mas maganda nga na lalaki ang tatanungin ko. But I want you to promise me na hindi mo sasabihin sa iba ang pag-uusapan natin, ha. Treat it like patient-doctor confidentiality," seryosong turan niya habang nakatitig sa lalaki.

"Okay."

"Pinky swear," aniya na itinaas ang hinliliit. Napangiting lalo si Jordan pero ikinawit din naman ang hinliliit sa kanya.

"Tomorrow na lang. Siguro mga around eight? Gising ka na ba noon?"

Tumango si Jordan.

"Okay. See you sa beach side na lang. We can do that while paddle boarding." Susubo na sana siya ng pagkain nang may maisip na i-confirm. "Wala kang girlfriend ngayon, tama?"

Dahil may laman ang bibig nito ay umiling ang lalaki. Pero kahit nanguya ay nagpipigil ng ngiti.

"Why?" muling tanong niya.

"Why 'why'?" balik-tanong ni Jordan.

"Why are you single? Was that your personal choice? Kasi, I mean, you're the perfect bachelor. Handsome. Smart. Rich. And as far as I can tell, a perfect gentleman," aniya na nakatitig pa rin sa lalaki. Makalipas ang ilang segundo ay dinagdagan niya ang sinabi, "Not unless, for the first time, pumalpak ang gaydar ko."

Napaubo si Jordan. "Gaydar?" Halata ang kaaliwan sa mga mata ng lalaki. Tumikhim ito saka nagsalita sa boses na sadyang pinababa, "Pinagdududahan mo ang pagkalalaki ko, Pretzhel?"

Imbes na sumagot ay tumayo siya. Walang salitang lumapit dito at saka suminghot.

Bahagyang napaatras si Jordan. "Anong ginagawa mo?"

MISSION 3: Claiming YouWhere stories live. Discover now