Chapter 8 - Seduction

3.5K 180 57
                                    

"Magaling kang pumili, apo," bakas ang kaaliwan sa boses ni Lolo Gener nang magsalita.

Kapapasok lang niya sa library para ibigay dito ang mga ginawa niyang mga design ng alahas. Dahil naiinip sa pag-aantay sa pagbaba ni Pretzhel ay pumunta siya sa kwarto para kunin ang mga drawing niya. Pabalik na siya sa detachment kaya nagdesisyong iwan na ang mga design sa lolo, na inabutan niyang nakatayo sa tabi ng bintana at nakatanaw sa labas.

Ipinatong niya sa malapad na mahogany desk nito ang sketch pad. Doon nakaguhit ang mga design ng singsing, hikaw at pendant na ginagawa niya sa tuwing may bakanteng oras siya sa kampo. Mahilig talaga siyang magdrawing. Isang taon na siya sa architecture noon nang magdesisyong pumasok sa PMA. Pero kahit sundalo na ay hindi niya tinalikuran ang hilig sa pagguhit kaya may dala siyang sketch pad sa kampo. Iyon ang pinagkakaabalahan niya sa mga libreng oras. At iyon na rin ang ambag niya sa business ng lolo niya.

Nang makalapit kay Lolo Gener ay tumingin siya sa labas ng bintana. At pakiwari ni Clifford ay may sumuntok sa sikmura niya nang makita kung sino ang tinitingnan ng matanda.

Matagal na niyang alam na maganda si Pretzhel, pero mas higit ang iginanda nito ngayon. Ni hindi nito kailangang magsuot ng revealing na damit para makatawag ng atensyon. She just have to smile and her entire face would lit up.

Ang suot nito ay damit na hanggang tuhod. Mahaba ang manggas niyon na gawa sa lace. Ang malambot na tela ng damit ay sumusunod sa bawat galaw ni Pretzhel. Sa distansiya nila ay hindi niya mawari kung abo o asul ang kulay ng damit. Ang buhok niyo ay nakataas, pero maliban sa leeg at hita ay wala na halos siyang makitang nakalabas na parte ng katawan ng dalaga dahil high-neck ang damit na suot nito.

Lumapit si Nicolette sa babae ay inayos ang laylayan ng damit ni Pretzhel, maging ang ilang hibla ng buhok na sadyang iniwang naka-frame sa magandang mukha nito. Maging ang posisyon ng mukha ng dalaga ay inayos ng pinsan niya. Pagkatapos ay umatras si Nicolette. Ang kasamang photographer ay panay ang kuha kay Pretzhel.

Matapos ang ilang shots ay tumalikod si Pretzhel. At doon nakita ni Clifford na mali ang akala niya na balot na balot ang dalaga. Open back ang damit. Kita ang halos buong likod nito. Pretzhel angled her face and Clifford was mesmerized by the subtle and slow change of emotions on her face. From serious to sensual smiles.

"Napaka gandang dalaga, apo. Nagtataka ako kung paano mong napigilan ang sarili mong angkinin ang dalagang iyan."

Lumunok si Clifford, wala sa sariling tumugon sa abuelo, "Grabeng parusa iyon, Lolo."

Tumawa ito, "Pero ipinagmamalaki rin kita sa pagiging maginoo mo, apo," anito na tinapik siya sa balikat.

Matapos ang ilang minutong pagkuha ng litrato ay umalis ang mga ito sa garden at pumunta sa gawi ng swimming pool.

"Lo, the designs are there. Bahala ka na," aniya bago tuluyang lumabas ng library. Dahil hindi niya tanaw ang pupuntahan ng grupo ay lumabas siya para puntahan ang mga ito.

"Yes! So pretty! And you're a natural! I can't wait to add your photo to my portfolio. At saka kung sakali, can I have another session with you? Marami pa akong damit na gusto kong i-model mo. Of course, I will pay you," ani Nicolette.

They were so busy with the photo shoot they didn't even notice his approach. Hindi na nagtaka si Clifford sa request na ito ni Nicolette. Ilang mga pinsan at batang pamangkin na niya ang ginawang model nito para sa mga damit na dinisenyo.

Pretzhel giggled. "I'm no professional model but I'd love that!"

"Let's talk more about that later. For the mean time, tapusin na muna natin ito," excited na salita ni Nicolette na lumapit muli kay Pretzhel. "Can you rotate one more time? Katulad kanina? I want to capture the dress while you're twirling. But this time, close your eyes, slightly open your lips and tilt your face upward, please."

MISSION 3: Claiming YouOnde as histórias ganham vida. Descobre agora