Chapter 9 - The Chase

3.8K 159 34
                                    

Clifford followed Pretzhel's every move. Envy and jealousy started to spill over as he watched her twirl and be held intimately but that man. A man he wanted to throttle the neck!

Pagdating pa lang ng lalaki ay nagsalubong na ang kilay niya. Tinanong niya ang Lolo kung kilala ang lalaki. Hindi raw, pero kilala ang dalawang matandang kasama ni Luke. At nadagdag sa nararamdaman niya ang obserbasyon na malapit si Luke sa pamilya ni Pretzhel. Kasama nito sa lamesa sina Abby, pati si Lolo Teo. Halos lahat ay nakakakwentuhan nito, maging mga anak nina Abby at Brian.

Nang mag-umpisang magpatugtog ang banda at magsabing pwedeng sumayaw ay isa si Lolo Teo sa mga naunang tumayo at inilahad ang kamay sa apo. Kilala ni Clifford si Lolo Teofilo. Dito nagmana ng kalokohan at kawalang filter si Gabriel, maging si Pretzhel. Matapos makipagsayaw sa apo ay ang matandang kasama naman ni Luke ang nakasayaw ng dalaga.

At hanggang ngayon ay nasa dance floor pa rin si Pretzhel. She's smiling happily, swaying, twirling, being lifted. She seemed oblivious of her surrounding. It seems like she only got eyes for Luke.

And Clifford doesn't like that. He actually hated that.

Unti-unti ang pagsindi ng selos sa puso niya habang nakakarinig ng humahangang papuri mula sa ibang bisita na nakatutok din ang mga mata sa parehang naiwan sa gitna ng dance floor.

"Oh my gosh! I never thought my dress would look that good if used in a dance routine!" natutuwang komento ni Nicolette. "But I wonder who's that guy. He's so gorgeous and, oh so hot, Melai!"

Mula sa pinapanood ay napatingin siya sa dalawang pinsan na kasama sa lamesa.

Melanie giggled, "Si Luke? Friend 'yan ni Ate Abby at Pretzhel. Mabait at gentleman 'yan. Crush mo?" nanunudyong tanong nito.

Nicolette glanced at the dance floor. She grinned and nodded, "He is good looking and he oozes with hotness, di ba? Kahit na he's dancing, there is no denying he is a pure male through and through. His masculinity is screaming. And I like it!"

Gwapo si Luke. Walang duda roon. Sa selan ni Nicolette sa lalaki ay tiyak na hindi ito lilingunin at pag-uukulan ng atensiyon si Luke kung basta-basta rin lang ang itsura nito.

Melanie chuckled, "I have to agree. Lalo na kapag hip hop ang sayaw niyan. He is good, lalo sa break dancing. Kaya nga naging crush ko rin 'yan dati. Pero hindi na ngayon. Walang pag-asa."

"Walang pag-asa? Baka naman you didn't try to get his attention? And that's where we're different. Before this night ends, I'll make sure that Luke will take notice of me," Nicolette confidently declared. She grinned and looked at the pair on the dance floor.

Tumawa si Melai. "Anong hindi? I tried kaya! Kaso nga, he only got eyes for Pret. Kita mo naman, di ba?"

"Oh, really? How about Pret? Sila ba?" curious na tanong ni Nicolette, muling tumingin sa pinsan niya.

Umiling si Melai. Pero bago pa ito makapagsalita ay inunahan na ni Clifford. "Hindi sila at hindi magiging sila. And you'll help me, Nicolette," singit niya sa usapan ng dalawang babae.

Umangat ang kilay ni Nicolette, "Sabi ko na nga ba, you got the hots for Pretzhel. Halatang-halata ko kanina, Kuya Clifford."

"At hindi ko hahadlangan ang pagkuha mo sa atensiyon ni Luke. Susuportahan pa kita, Collette," aniya na sumulyap sa dance floor. At hindi niya mapigilang mapatitig sa dalawang nagsasayaw sa dance floor. Buhat ni Luke si Pretzhel sa balikat habang umiikot, kasunod ang pagdausdos ni Pretzhel papunta sa mga bisig nito.

Fuck!

Nagpupuyos ang dibdib niya sa tuwing lalapat ang kamay ni Luke sa hubad na likod ni Pretzhel. At nadodoble iyon sa tuwing maglalapat ang katawan ng dalawa.

MISSION 3: Claiming YouWhere stories live. Discover now