Chapter 25 - Make Out

3.2K 167 40
                                    


"Anong nangyari?" tanong ni Abby nang makasakay siya sa van.

Imbes na sumagot ay sumulyap siya kay Brian na siyang nagmamaneho. Pagkatapos noon ay isinandal niya ang ulo sa bangko at ipinikit ang mga mata. Humanga siya ng malalim. Pilit pinapabagal ang mabilis na pagtibok ng puso.

She believe she handled herself well earlier. Iyon nga lang, tiyak naman na lalo siyang aayawan ng ina ng boyfriend. At ayaw man niyang aminin, pero nalulungkot din siya.

Her relationship with Clifford is under immense pressure as it is. From them being so far from each other for far too long, to trying to act natural around their family to conceal their relationship. Tapos nadagdagan pa ng pag-ayaw ng ina nito sa kanya. And worst, may gustong babae ang ina ni Clifford para sa binata.

What a messed up situation she got.

But Pretzhel is adamant. For as long as she and Clifford love one another, she will fight and will never give up. Kailangan nga lang niyang umalis kanina, hindi dahil natatakot siya sa ina ni Clifford, kundi mas natatakot siya sa sarili.

Nasagad ng ina ni Clifford ang pasensya niya. Kilala niya ang sarili. Kung hindi siya aalis ay tiyak na may masasabi siyang hindi maganda. Totoong nainis siya sa ina ni Clifford, pero maganda ang pakikiharap sa kanya ng ama ng kasintahan at iyon ang tiningnan niya kaya pinili pa ring irespeto ang asawa nito hanggang huling sandaling kaya niya.

Hindi pa natatagalang tumatakbo ang van nang tumingil iyon. Kasabay nang pagmulat ng mga mata niya ay ang magbukas din ng pinto ng van.

"Lipat ka sa sasakyan ko, sweetheart."

Kunot-noong tumingin siya sa boyfriend, "Tapos na kayong mag-usap ng mommy mo? Ang bilis naman."

"Nasabi ko na ang gusto kong sabihin kay Mommy kaya umalis na ako."

"How about the lunch you promised your parents?"

"Wala akong ipinangakong kahit ano sa kanila. Ang sabi ko lang ay dadaan ako rito at may ipakikilala sa kanila ni Daddy. Nagpaalam lang ako sa kanila na aalis na. Kinuha ko ang SUV at sumunod na sa iyo."

Bumintong hininga ito saka nagpatuloy. "Let me apologize for my mother's rudeness, Pretty. At sana'y pumayag kang ako pa rin ang maghahatid sa iyo pauwi sa inyo." Itinaas nito ang kamay sa gawi niya. His eyes pleading.

Pretzhel smiled. Hindi naman kailangang magmakaawa ni Clifford sa kanya. She will go with him in a heartbeat. Ayaw o gusto man ng ina nito sa kanya. After all, basta matatag sila, walang makakatibag sa kanila. And seeing the firm determination in Clifford's eyes made her feel secure.

Tumingin siya kina Abby at Brian. "Sorry for bothering you, guys."

"Walang problema. Basta ikaw, Pret," sagot ni Brian. Sumenyas din ito ng okay sa pinsan.

Tinanggap niya ang kamay ni Clifford. Inalalayan siya nito pababa saka muling isinarado ang pinto ng van. Bumusina si Brian saka umalis. Walang salitang lumulan siya sa sasakyan ng boyfriend.

Ilang minuto silang nagbiyahe na walang imikan. She can sense the tension that remained in Clifford's body. Pretzhel reached for his hand and intertwined it with hers. Itinaas ni Cliff ang magkahugpong na kamay nila at hinalikan.

Nang makakita ito ng area kung saan pwedeng pumarada ay inihimpil doon ni Clifford ang sasakyan.

"I'm so sorry, sweetheart," hinging paumanhin nito sa pagitan nang naka tiim na bagang. Sa unahan ng sasakyan ito nakatingin. Kita niya ang mga litid nito sa kamay sa higpit ng pagkakahawak nito sa steering wheel.

Inalis niya ang suot na seatbelt. Pumihit siya paharap sa boyfriend. "Wala kang dapat ihingi ng pasensya, sweetheart. Hindi mo naman ginusto na gano'n ang reaksyon ng mommy mo sa akin," kibit-balikat na sagot niya. "Though, I can't blame your mom. In your mother's eyes, I am just a lowly dancer slash baker, uncomparable to the accomplishment of the girl she choose for you. Military Officer na, doctor pa. At nakita mo naman kung gaano kaganda si Myca, di ba? Mamula-mula ang makinis na balat. Malinis, maayos manamit."

MISSION 3: Claiming YouWhere stories live. Discover now