Chapter 40 - Remorseful

2.9K 186 59
                                    

Clifford embraced Pretzhel as hard as he could, but his kisses remained soft and slow, coaxing her to relax. Nang maramdaman niya ang unti-unting paghina ng panginginig nito ay saka lang siya naupo sa bangko. Kalong ito, habang marahan pa ring hinahalikan.

Nang naramdaman niyang payapa na si Pretzhel ay saka niya nilubayan ang masuyong paghalik sa labi nito. Hinawakan niya ito sa baba pero yumuko si Pretzhel at sumubsob sa leeg niya.

"I'm sorry," anito na muli na namang humikbi.

"Hey!" Inilayo ni Clifford ang katawan nito sa kanya, pilit na itinaas ang mukha. Nagtagumpay naman siyang maihiwalay si Pretzhel sa leeg niya, pero ang mga mata nito ay nakatingin sa kandungan. Hinaplos niya ang pisngi nito, "Look at me, sweetheart."

Pero imbes na tumingin ay umiling ito kasunod nang walang tigil na pagpatak na naman ng luha. "Nahihiya ako sa iyo. Tapos nagagalit ako sa sarili ko kasi-"

Clifford did not let her finish. Dagli niya itong inihiga sa malambot na couch at dinaganan. "This is the only way I know how to make you stop crying, sweetheart. And if you won't stop in the next minute, I fucking swear, I'll make love you here and now!"

Sumigok ni Pretzhel pero nagpunas ng mga luha. Kinagat nito ang nanginginig na labi, umiiwas pa ring tumingin sa kanya.

Makalipas ang mahabang sandali nang pagtitig dito ay naupo siyang muli. Bukod sa mabigat siya ay masyadong tempting ang posisyon nilang dalawa.

Of course, he wanted to make love to her, but they need to settle some things first.

Katulad kanina ay kinalong niyang muli si Pretzhel saka ikinulog sa bisig. Ang kamay niya ay masuyong humahaplos sa bisig ng dalaga. Clifford smiled when he felt goosebumps on her skin.

"Mahal mo pa rin ba ako, sweetheart?" masuyong tanong ni Clifford makalipas ang ilang sandali.

Noon lang tumingin si Pretzhel sa kanya. Muling may tumulong luha sa mga mata nito pero dagli ring pinunasan, "Mula noong teenager ako ay hindi naman nawala ang pagmamahal ko sa'yo. Lalo pa ngang lumala."

Ngumiti siya. Binigyan ito nang mabilis na halik sa mga labi. "Ako din, sweetheart. Mas lumalalim ang pag-ibig ko sa iyo sa paglipas ng mga taon." Marahan niyang hinaplos ang mamasa-masang pisngi nito. "Nakita kitang lumaki. Nasubaybayan kita, sweetheart. At kung alam mo lang sana kung paanong pagpipigil ang ginagawa ko para wag kang halikan sa tuwing nagpapacute ka sa akin."

Namula ang mga pisngi ni Pretzhel. Kinalaunan ay bahagya itong ngumuso, "Ni hindi ko nga maramdaman na may gusto ka sa akin."

Ngumiti si Clifford "Umiwas at nagpigil ako sa abot nang makakaya ko kasi masyado ka pang bata noon, sweetheart. Di ba't naipaliwanag ko naman sa iyo ang totoong dahilan nang pagdistansiya ko noong pumunta tayo sa Anvaya para pumuli ng lote?"

Tumango si Pretzhel, "Yeah. I remembered."

Ngumiti si Clifford. "Alam kong mali dahil menor de edad ka pa noon, pero hindi pa rin ako nakapagpigil ng sarili noong nasa PMA tayo. I just can't resist your sweet and soft lips, sweetheart."

Sumulyap ito sa kanya pero muling nagbaba ng mga mata.

Clifford can't help but smile. His feisty, hard-headed, strong and brave girl looks and acts like a lamb about to be slaughtered. Naniniwala na siyang sising-sisi ito sa nangyaring gulo sa pagitan nila.

Itinaas niya ang baba ni Pretzhel at tinitigan ito sa mga mata. "And I am so glad for the chance to see you on the car park that day, sweetheart. Those were the happiest seven seconds of my life."

"Mine, too." Pretzhel bit her lip, but a shadow of a smile formed on her lips.

Clifford smiled as he brought her lips closer to his for a brief but sweet kiss. Nang maghiwalay ang mga labi nila ay parehas pa silang ngumiti. Gamit ang dulo ng daliri ay dinama niya ang mamasa-masang labi ni Pretzhel.

MISSION 3: Claiming YouWhere stories live. Discover now