Chapter 4 - Research

4.2K 163 48
                                    

"Good morning. Sorry. I'm late," bakas ang hiya sa boses na bati ni Redge.

Isinarado muna ni Pret ang oven door bago niya nilingon ang babae na kapapasok lang sa kitchen. Kaagad nitong kinuha ang apron. Pero hindi pa nito iyon naisusuot ay muling bumukas ang pinto.

"Hey, you haven't given me my goodbye kiss," anang kuya niya na walang babalang hinagip ang bewang ni Redge. Hinalikan nito ang babae sa labi. "Anong breakfast ang gusto mo, honeypie?"

"Bahala ka na. Kahit ano," bakas ang hiya sa boses na sagot ni Redge. Namumula ang magkabilang pisngi nito.

"Okay. How about you, Pret? Nag-agahan ka na ba?" tanong ng kuya niya nang bumaling sa kanya.

Pretzhel grinned. Of course, alam niyang hindi lang sa pagkain kulang ang dalawang ito. Pupusta siyang pati sa tulog.

"Kaninang umaga pa. Kung sa bahay ka rin natulog, o kaya kung maaga kang umuwi, tiyak, nakapag-agahan ka na rin, Kuya," nanunudyong sagot ni Pretzhel.

Nalaman niyang hindi sa kanila natulog ang kuya niya noong kakain na sila ng agahan. Kapag kasi umuuwi ang kuya niya ay lagi silang sabay-sabay kumain, basta nasa bahay ito. Umalis ito noong isang araw dahil dumating ang mga mistah pero umuwi na rin kahapon. Dumaan pa nga ito sa bakeshop kahapon. At napilitan siyang itaboy ito at si Redge dahil sa walang katapusang kakulitan ng kuya niya.

Pero kaninang umaga ay wala ito sa hapag-kainan. Nang hanapin niya ay sinabi ng Papa niya na nasa garahe ang motor nito pero ang dalawang helmet ay nasa bangko sa teresa nina Tita Odessa. Maging ang sapatos ng kuya niya ay naroon din daw.

"Pero kung mamimilit ka, hindi breakfast meal ang sa akin kasi snack time na," nanunudyong dagdag niya.

Tumawa lang ang kuya niya. Muli itong bumaling kay Redge. "I'll be back in a jiffy, honeypie."

Pagkasabi noon ay muli nitong hinalikan ang babae. Mas matagal kaysa kanina. Nang bitawan ng kuya niya si Redge ay kaagad itong nagyuko ng ulo habang itinatali ang apron. Pero kita niyang lalong namula ang mukha nito.

Pret grinned. Seeing the glimmer in her brother's eyes, Pretzhel can bet all the money in her bank account that her brother caught the love bug. She haven't seen that look in her brother's eyes before. She'd never seen that huge grin, the contentment in his eyes. Her brother looked at Regine like she's the most beautiful and precious thing in this planet. He looked at Regine with adoration in his eyes.

No doubt. His brother is madly in love.

And she hope and pray that someone will look at her the same way her brother looked at Redge.

An image pop in her head but she immediately squashed it.

Pretzhel cleared her throat, "You look good together." She started with a giddy voice. And she really is excited. Kung si Redge ang magiging sister-in-law niya ay walang ka-proble-problema sa kanya.

Redge bit her lip and slowly turned to look at her. She let out a sigh of relief, followed by a shy smile when their eyes met.

Gumanti ng ngiti si Pretzhel, "You're glowing, Redge," aniya matapos itong pinasadahan ng tingin. "Afterglow, for sure." Pinikitan niya ito. "So, how was it?"

Napanganga si Redge. Halata ang gulat sa mga mata.

"Please don't tell me the specifics," ani Pretzhel na ngumiwi pa. "Just tell me how it feel. Were you happy? Elated? Ecstatic?"

She remembered the look on Clifford's face when he thought she'd been intimate with Lucas. He looked at her with anger, jealousy and most of all, disappointment.

MISSION 3: Claiming YouOnde histórias criam vida. Descubra agora