Chapter 23 - Introduced

2.6K 153 42
                                    

"Thanks, Mimi! Magte-text na lang ako kapag o-order na ulit ako," nakangiting paalam niya sa babaeng sumama pabalik sa entrance ng strawberry farm. Tapos na silang mamitas at ayon kay Mimi ay naroon na rin daw si Apollo, ang asawa nito. Matapos mabayaran ang pinitas at ang order na strawberry ay nagpauna si Clifford papunta sa sasakyan para isakay doon ang mga pinamili niya.

"Nauunawaan ko na kung bakit ka na-in love diyan. Ang gwapo at ang sweet. At saka halatang mabait. Pinagmamasdan ko kayo habang namimitas kayo kanina. Laging naka alalay sa iyo. At kahit ultimo basket na lalagyan ng strawberry, siya na ang nagdala para sa iyo," ani Mimi habang nakasunod ng tingin sa boyfriend niya.

Ngumiti si Pretzhel. Tumingin din sa kasintahan. "Kilala ko na siya since thirteen ako. Pero ngayong boyfriend ko na siya, mas nakikita ko ang ibang side niya. Sweet talaga siya. At gentleman."

"Masaya ako para sa iyo," pahayag ni Mimi.

"Thanks, Mimi."

"Mag-ingat kayo. Pasensya na at kailangan ko na ring bumalik sa pwesto ko. Dumarami na ang turista."

Tumango siya. "Magte-text na lang ulit ako."

"Sige." Kumaway pa ito bago tuluyang tumalikod.

Pasunod na sana si Pretzhel sa sasakyan ni Clifford nang makita niya ang kumpulan ng ilang turista. At nang makita niya kung ano ang binibili ng mga ito ay doon dumiretso si Pretzhel. Taho in various flavors. Regular, ube and of course, strawberry.

Nakipila siya sa ibang bumibili. "Strawberry taho sa akin, Kuya. Dalawa po." Iniabot na rin kaagad niya ang bayad sa nagtitinda. Nang inabot sa kanya ng nagtitinda ang taho ay nagpasalamat siya.

"Salamat, sweetheart," ani Clifford na kukunin ang isang tahong hawak niya.

"Hep!" aniya na inilayo ang hawak sa boyfriend. "Anong salamat? Sa akin ito. Kung gusto mo bumili ka nang sa'yo," aniya saka inirapan ang lalaki.

Napatawa si Clifford. "Ouch, sweetheart. Taho lang, pagdadamutan mo ako?"

Umismid siya, "But, of course! Kung regular taho ito, ibibigay ko sa iyo ang isa. Pero strawberry taho kaya ito! Kaya sorry ka. At saka parusa ko sa'yo ito. Pinag-alala mo ako."

Napailing si Clifford, pero nakangiti naman.

Sumipsip siya ng taho gamit ang straw. Ipinikit niya ang mga mata saka umungol, "Oh, god. This is so heavenly. Ang sarap! Mainit-init pa!"

"Wala sana akong planong bumili, pero dahil sa reaksyon mo, sweetheart, nagbago ang isip ko." Bumaling ito sa nagtitinda ng taho at bumili rin.

Nang makuha ang biniling taho ay naglakad na silang pabalik sa kotse ni Clifford. Naubos na niya ang unang baso ng taho. Ang ikalawang baso na ang nilalantakan niya. Pretzhel moaned in appreciation as she slurped her food.

Natatawang pinagbuksan siya ng pintuan ng sasakyan ng boyfriend. Nang makaupo ito sa driver's seat ay bumaling sa kanya. May nanunudyong kaaliwan sa mga mata. "Hindi pala kita dapat papiliin kung strawberry o ako. Masasaktan lang ako."

Ipinatong niya ang wala nang laman na disposable cup sa cup holder. Humarap siya sa boyfriend. Napangiti siya nang makitang kalahati pa sa baso ang taho nito. Tumingin siya kay Clifford at kumindat. "Magpahid ka ng strawberry jam, maiiba tiyak ang kwento."

Pagkasabi noon ay dumukwang siya sa gawi nito. Sa straw na ginamit ng boyfriend na rin siya mismo sumipsip ng taho.

"Seryoso?" paanas na tanong ni Cliff.

Bahagya niyang itinaas ang mukha. Gadali na lang ang layo ng labi niya sa sa labi ng boyfriend. Clifford's eyes emitting fire. No ounce of playfulness is his voice. Even his body was suddenly filled with tension.

MISSION 3: Claiming YouWhere stories live. Discover now