Chapter 11 - Threatened

3K 158 24
                                    

"Hoy! Pretzhel! Ano't ngayon ka lang?"

Mula sa mabilis na paglakad ay napatigil si Pretzhel at nilingon si Abby. Ngayon ang engagement party nina Riah at ng kuya niya, siya pa man din ang nag-arrange niyon, pero heto siya at late na. Pasado alas siyete na siya nakarating sa Anvaya.

Nagbuga siya ng hangin sa bibig. "Ugh! I don't want to remember the reason why I'm late."

Muli siyang sumulyap sa grupong kausap ni Riah. Masayang nag-uusap ang mga nakapalibot sa engaged couple, pero may isang matamang nakatitig sa kanya, na ngumiti nang magtama ang mga mata nila. Imbes na gumanti ng ngiti ay bumaling siya kay Abby. "Bakit? May problema ba?"

Imbes na sumagot ay hinigit siya ni Abby palayo sa karamihan ng bisita. Nagtataka man ay nagpatangay siya sa pinsan.

"Wala ka na nga kaninang lunch, ginabi ka pa. Akala ko ba iseset-up mo lang ang cake tapos pupunta ka na rito?" usisa nito nang sila na lang dalawa ang makakarinig ng pinag-uusapan nila.

"Alam mo naman na hindi na talaga ako aabot ng lunch, di ba?" Alam nito iyon dahil ito ang napakiusapan niya na tumingin sa venue habang wala siya. They even video chat earlier para lang makita niya na ayos talaga ang set-up ng venue sa tabing dagat.

"Ginabi na nga lang ako kasi hindi ko naman matanggihan si Dennis nang mag-request na mag-stay ako kahit sandali lang. Kinunsensiya ako ng kumag. Tinangihan ko na nga raw 'yong pagiging secondary sponsor nila, kahit iyong pag-stay na lang daw saglit sa reception ang gawin ko. Kaya ayon, napa-stay ako roon until five thirty."

Isa si Dennis sa nakasama niya sa dance troop noong college. Sa kanya ito um-order ng cake at kukunin din siyang secondary sponsor pero nag-beg off siya. Nagdahilan siyang ayaw mahati ang atensiyon sa paggawa ng cake. Pero ang totoo ay hindi siya komportable. Kilala naman niya ang bride nito. Iyon nga lang, kakilala lang, hindi ka-close.

"Kaso'y na-flat-an naman ako! Nakakainis. Imagine, nakaganito ako at nagpapalit ng gulong sa gilid ng kalsada!" dagdag paliwanag niya.

She's wearing a button down, fringed demin skirt, a white off-shoulder top and a red high heel wedge. She's sporting loose curls. She let her hair mostly straight and just curl the bottom part for texture.

"Buti na lang may tumulong sa akin. Pero halos patapos na ako noon. But still, thankful pa rin ako sa tulong ni Kuyang FoodPanda."

"Kaya pala," wika nito sa boses na may kalakip na panghihinayang.

"Bakit mo ako dinala rito? I don't believe na dahil sa na-late lang ako kaya mo ako hinigit dito sa tabing beach. May aberya ba habang wala ako?"

Luminga muna ito, waring sinisigurado na walang makakarinig, saka nagtanong, "Hindi naman aberya. Nagulat lang ako. At itatanong ko na rin. Allowed pa ang plus one sa event na ito? Di ba may listahan ka naman ng bisita nina Gab at Riah na makakapasok dito sa Anvaya?"

"Technically, kung sino lang ang nasa list, iyon lang ang makakapasok. Pero kung may isasama ang endorsed na visitor ay pwede naman. Kaya nga nagpasobra ako ng order ng food sa catering in anticipation sa ganyang pangyayari," tugon niya. Pero nagtataka rin. "Bakit?"

"Ah. Kasama kasi ni Kuya Clifford si Brigitte kaninang lunch. Pero imbes na sumama sa amin ay bumukod silang dalawa ng lamesa. Pagkatapos kumain ay umalis sila. Tapos bumalik dito si Kuya Cliff kaninang around four, kasama na 'yong mga mistah niya pero hindi kasama si Brigitte. Akala ko umalis na 'yong bruhilda, pero bumalik ulit nitong around five forty-five or six na yata."

Umangat ang kilay ni Pretzhel. "Talaga?"

Tumango si Abby. "Ipinakilala pa nga ni Kuya Cliff sa mga mistah niya. Kaaalis-alis lang nung bruha, actually. Di ko lang sure kung saan nagpunta. Baka sa ladies room."

MISSION 3: Claiming YouWhere stories live. Discover now