Chapter 7 - Gift

3.4K 152 20
                                    

"Fuck!" ani Clifford habang habol ng tingin ang palabas na si Pretzhel.

"Lagot na! Ngayon ko lang narinig na sumigaw nang gano'n kalakas si Pretzhel, Kuya," ani Brian na lumabas sa kusina.

"Kung kuya niya ang kasama niya, tiyak may kinalagyan ka na. At kung hindi lang kita ka-close, naupakan na rin kita. Pinsan ko 'yon, Cliff!" ani Julius na kasunod lumabas ni Brian sa kusina. Naiiling ito habang nakakunot ang noo.

Naroon din siya kanina at lumabas lang nang maulinigan si Pretzhel. Ang totoo ay sa garden sana siya pupunta nang malamang dumating na ito pero hindi muna siya doon tumuloy nang makitang busy at naka-concenrate sa ginagawa si Pretzhel.

Naihilamos niya ang kamay sa mukha. "Shit! Wala sa plano kong sabihin iyon sa kanya. Ewan ko bakit lumabas sa bibig ko iyon." Napatingala si Clifford habang hinihilot ang batok. Shit! Seeing Pret again after so many years made him so excited. He totally forgot to slow down and choose his words.

Oo nga't nakikita niya ito sa mga tagged photos nina Brian at Abby, pero hindi nabigyan ng hustisya ng mga larawang iyon ang tunay na ganda ni Pretzhel. Clifford thought the wind got knocked out of his chest when he saw Pretzhel at Jason and Jillian’s wedding. Nakangiti ito habang naglalakad palapit, sa bagong kasal nakatingin. The wind catches her hair in every step.

And hot damn!

The navy blue, off-the-shoulder dress perfectly accentuated her slender body. Gone were the baby fats. She got all the right curves in all the right places.

"Paano mo masusuyo iyon, eh, ipinahiya mo pa sa harapan ni Lolo? Sa lahat ng diskarte mo sa buhay, dito ka sablay, Kuya," palatak ni Brian.

"Sablay talaga! Ipamukha mo ba naman sa pinsan ko na easy lay siya," naiiling na dagdag ni Julius. "Pasalamat ka't suntok lang ibinigay sa iyo noon. Maalam ng martial arts iyon. Tinuruan ng kuya niya."

"Bakit nga ba iyon naman kasi ang sinabi mo, Kuya? No offense meant, pero kahit ako, napailing kanina. Kung ako ang babae at sinabihan mo rin ako noon, sasapakin din kita, Kuya. Eh hindi naman babastusin si Pret. 'Yong suot nga niya ngayon, balot na balot naman siya. Ultimo hubog ng hita, hindi kita."

"Fuck!" That was really messed up! He knew that he messed up big time the moment Pretzhel looked at him with shocked expression. And he saw how that shocked expression turned to anger. Kaya nga hinayaan niyang ilabas ng babae ang galit sa kanya kanina.

He really don't know what's gotten into him.

The moment he looked in her beautiful eyes, and get a glimpse of those plump and succulent lips, he lost it. All he wanted was to taste and claim her lips.

"Si Pret," ani Julius bago sinagot ang tawag sa cellphone nito, nakinig sa sinabi ng nasa kabilang linya. "Nasa loob pa. Nasa kusina. Kumakain kami ni Brian. Tapos ka na? Teka lang. Tatapusin ko lang ang pagkain ko. Pasok ka muna rito. Kain muna tayo."

Brian gave a thumbs up to Julius. "Pret, pasok ka muna, kain ka!" malakas na salita nito.

"Salamat na lang daw pero aalis na kami pagkatapos kong kumain," Ulit ni Julius sa tugon ni Pret. Muli itong nakinig sa nasa kanilang linya. Tumingin kay Brian saka sumulyap sa kanya. "Kaagad? Papababa lang ako ng kinain, Pret. At saka hindi mo pa nga naibibigay 'yong regalo mo sa lola ni Brian, di ba? Nasa loob pa ng van. Nalimutan ko ring dalhin kanina."

Iniumang niya ang kamao kay Julius at binanga naman iyon ng lalaki. He owe him. Kanina pa niya nasabi rito at kay Brian ang intensyon niyang suyuin si Pretzhel.

"Mga ten to fifteen minutes pa. Pasok ka kasi muna rito sa kusina." Muling nakinig si Julius. "Okay. Sige," anito bago inalis ang cellphone sa tenga. "Ayaw pumasok. Sa labas na lang daw siya," bigay-alam ni Julius habang nakatingin sa kanya.

MISSION 3: Claiming YouWhere stories live. Discover now