Chapter 36 - Connive

2.4K 156 63
                                    

"Stop fidgeting, Kuya," natatawang puna ni Pretzhel sa kapatid na walang ginawa kung hindi ang luminga sa area kung saan alam nitong manggagaling si Riah.

Kararating lang niya sa venue ng kasal dahil nag-picture taking pa sila kanina nina Riah, kasama ang ibang bridesmaid. Pagdating pa lang niya ay napansin na niya na hindi makinali ang kuya niya, kaya humiwalay siyang saglit sa mga kasama para lapitan ang kapatid.

Iniiwas na lang niya ang paningin best man nito na pagdating pa lang niya ay ramdam na niyang nakasunod sa kanya ng tingin.

Today is a happy occasion and she won't let her personal dilemma dim the happiness of the people around her. At maging siya, pipilitin niyang maging enjoyable ang araw na ito. At ang solusyon para mag-enjoy siya ay iwasan si Clifford sa abot ng makakaya. Oo nga't imposibleng hindi niya ito makita, lalo na't best man ito ng kuya niya, pero pwede siyang mag-pretend na wala ito roon.

At iyon mismo ang gagawin niya.

"Bakit ang tagal ni Riah?" naiinip na tanong ni Gab. Maging sa mukha ay halata ang pagkainip.

"Limang minuto pa naman bago magsimula ang seremonya ng kasal, anak," anang ina niya na inaayos pa ang damit ng kuya niya.

Tumingin si Gabriel sa kanya. At noon nakita ni Pretzhel ang nerbiyos sa mga mata ng kapatid. "Nasan na si Riah? Kasama niyo siya sa pictorial kanina, di ba? Papunta na ba siya? Bakit wala pa?"

Napangiti si Pretzhel. Hindi pa niya nakita na ninerbiyos ng ganitong kuya niya. It's refreshing to see his overly confident brother get nervous. All because he's afraid that his bride would not show up.

Nagseryoso muna si Pretzhel ng mukha. Humawak pa siya sa braso ng kapatid. "Ang totoo niyan, Kuya, kasama namin siya kanina. Pero ewan ko lang din kung tutuloy pa dito si Ate Riah. Para kasing nagse-second thought siya kanina."

Nagsalubong ang kilay ni Gabriel. "Fuck! Hindi nga?" nagpa-panic na paniniguro nito.

Hindi napigilan ni Pretzhel ang paghalakhak.

"Hindi magandang biro 'yon, Pretzhel," saway ng ama nila, nailing. "Nakita mo na ngang hindi makinali ang Kuya mo, sinabi mo pa iyon."

"Sorry!" Itinaas niya ang kamay at nag-peace sign. "I'm just joking, Kuya! Si Ate Riah, iwan ka? Nah! She love you to bits kaya!" aniya habang tumatawa pa rin.

Pero ang kuya niya, hindi maipinta ang mukha. "Hindi nakakatuwa, Pretzhel."

Kinagat ni Pretzhel ang labi saka pilit nag-seryoso. Pero hindi talaga niya magawa. Kaya para itago ang pagtawa ay pumunta siya sa tagiliran, yumapos sa braso nito at sumandig sa balikat ng kapatid. "Sorry na, Kuya. Joke lang talaga iyon." Tumikhim siya. "Hindi ka iiwan ni Ate Riah kasi one of a kind ka. Loyal, courageous and a man of integrity. At saka you always keep your words. You're a rare breed, Kuya."

Huminga nang malalim si Gab. Hinigit ang brasong yakap niya saka siya inakbayan. "Pasalamat ka, mahal kita. Kung hindi pinalo na kitang bata ka."

Tumingala siya sa kapatid saka ngumiti, "I just want to ease your tension, Kuya, kaya kita biniro."

Umiling si Gabriel, pero bakas naman ang pang-unawa sa mga mata. "If you want to ease my tension, dapat reassurance ang ibinigay mo, hindi panloloko."

A bitter smile curved Pretzhel's lips. At kahit sabi niya'y magpe-pretend siyang wala si Clifford ay hindi niya napigilang sumulyap dito. "Sabi ko nga, Kuya. Reassurance, not lies."

"At dahil pinakaba mo ako, may parusa ka."

Bumaling muli si Pretzhel sa kapatid. "Ano naman?"

"Hindi ka pwedeng mag-boyfriend hangga't hindi pa nabubuntis si Riah."

MISSION 3: Claiming YouWhere stories live. Discover now