Chapter 37 - Captivated

2.6K 168 37
                                    

Naririnig ni Clifford ang nagkakaingay na mga kaibigan pero walang rumerehistrong kahit ano sa isip niya. Mula pa kaninang nakita niya si Pretzhel ay napako na lang sa dalaga ang mga mata niya.

Tulad ng ibang bridesmaid ay naka blush pink na dress ito, ang naiba lang ay ang design ng damit. Naka criss-cross iyon sa harapan, hanggang sa may leeg, na siyang tumatakip sa dibdib nito. Labas ang makikinis at mapuputing balikat ni Pretzhel. At hindi niya napigilan ang mapamura dahil nang tumalikod ito kanina ay nakita niyang exposed ang buong likod ng dalaga.

She definitely didn't have any brasserie.

And he can't help but imagine himself bringing Pretzhel somewhere they can be alone for a while, remove the knot of the dress in her nape and kiss and nip and suck what's underneath that dress.

Pero hindi siya nagkaroon ng pagkakataong lapitan man lang ang dalaga. Lagi itong kasama ng ibang bridesmaid, o kung hindi man ay si Jordan ang kausap.

Katulad kanina.

He's so jealous! Mad jealous!Gustong-gusto niyang lumapit sa dalawa lalo na nang nakita niyang lumapit pa si Jordan kay Pretzhel. Ilang beses iyon! At may ilang minuto pang nagbulungan ang dalawa. Ang masaklap, may pinky swear pa!

Muntik na talaga siyang sumugod kung hindi siya napigil ni Ace kanina.

"Sige, i-justify niyo pa iyang pagiging playboy n'yo. Kapag kayong dalawa nakarma at naloko ng babae, ako ang unang-unang tatawa sa inyo."
Ang salitang iyon ni Timothy ang nagpabalik ang atensyon niya sa mga mistah.

O dahil na rin marahil nawala na sa paningin niya si Pretzhel kaya naunawaan na niya ang sinasabi ng mga lalaking katabi. Umalis sa reception area sina Riah at Pretzhel, kasama ang ibang bridesmaid.

"Isama mo na ako, bok," nakaismid na sagot ni Jason.

Pumalatak si Ace, "Ako? Maloko ng babae? Hah!" confident na sagot nito na umiling-iling pa.

"Hindi pa ipinapanganak ang manloloko sa amin. Di ba, bok?" ani Eugene.

Gab, Tim and Jason all snorted and shook their heads.

At maging si Cliff ay napailing. Sana lang ay hindi danasin ng dalawa ang hirap na dinadaanan niya ngayon dahil kay Pretzhel.

Or may be Pret was his karma?

Tahimik na napamura si Clifford. Sisiguraduhin niyang hindi magiging karma si Pretzhel. Ang dalaga ang magiging reward niya.

His endgame.

Kung paano niya gagawin iyon ay hindi pa rin niya alam. Basta ang alam niya ay gagawin niya ang lahat, makuha lang ulit ang buong tiwala at pagmamahal ng dalaga.

And he better start making plans how to show his real intentions to her.

But nothing is coming up!

Even Pretzhel told him she doesn't even know what he should do to win her again!

Sa naisip ay lalong nagsalubong ang kilay niya. Muli siyang tumungga ng alak.

"Hoy! Bok, ano ka na? Kanina ka pa seryoso. Bakit parang mainit ang ulo mo?" ani Timothy sa kanya.

Tumawa si Eugene, "Paano'y masama ang loob. Hindi siya ang ka-partner ni Pret, eh."

Gabriel snorted. Halata ang kaaliwan sa mga mata.

"At hindi lang iyon. Hindi pa siya makalapit. Laging kausap ni Pret 'yong kapatid ni Riah, eh," segunda ni Ace sa nambubuskang boses. "Tsk! Tsk! Wala na. Mabobokya ka na nga yatang talaga, bok."

MISSION 3: Claiming YouWhere stories live. Discover now