Chapter 14 - Admission

3K 153 64
                                    

Walang salitang humarap si Pretzhel sa lalaking lumapit. And she's actually glad he's here. Dahil ito naman talaga ang dahilan kaya ito ang pinili niyang suutin.

She need to ensure she get his attention and make him loose interest in Brigitte. Kahit na nga ba hindi niya alam kung nasaan ang babae. Her only hope is she didn't stay the night with him. At welcome sight ang nakita niya kanina sa lamesa na puro mistah ang kasama ni Cliff.

Pinasadahan ng tingin ni Clifford ang kabuuan niya. Lumunok ito saka nagsalita, "I didn't expect you'd wear something like that, Pretty," Cliff huskily murmured. The fire in his eyes is enough to ignite a flame even in the most humid place.

And it did. Heat starts to form in the fit of her stomach.

Pasimpleng huminga nang malalim si Pretzhel. Bahagya niyang itinaas ang mukha, "Malamang ganito ang suot ko kasi nasa beach ako. Not unless may ruling dito sa Anvaya na dapat naka-pajama kapag maliligo."

"Pero pwede namang hindi ganyan ka-revealing ang isuot mo, Pretty," muli nitong pinasadahan ng tingin ang katawan niya.

At lalong naghatid ng init sa katawan niya ang paraan ng pagtitig ng binata.

Pretzhel took a deep breath to steady her nerves.

Katakot-takot na dasal ang ginawa niya kanina bago isinuot ang swimwear na bigay ni Nicolette noong nag-photo shoot sila. At nang suot na niya ang swimwear ay nakaramdam siya ng nerbiyos. Kaya nga kahit kinakatok na siya ng mga magulang sa banyo at paalis na raw sila papunta sa restaurant ay nagpaiwan pa siyang saglit sa Casita.

She's used to wearing tankini. She's not really into wearing this type of swimwear that revealed so much skin. She's second guessing herself if she could pull this off, given that she's a little uneasy.

Inalala na lang niya ang sinabi sa kanya ni Nicolette noong unang tanggihan niya ang swimwear na ito sa kadahilanang hindi niya alam kung kakayanin niyang isuot.

"Any girl can pull off any outfit for as long as she is confident."

At katakot-takot na pep talk ang ginawa niya sa sarili bago siya lumabas ng CR. She reminded herself that she is a Rosales. She's brave and self-assured. She is confident. She is beautiful and sexy, not the fat, insecure teenager she once was.

And now, seeing his reaction, she's confident she could pull this off. And it boosted her confidence even more.

Muli siyang pasimpleng humigit ng hininga saka niya pinaikot ang mga mata. "Sus! Ito? Revealing na sa iyo?" aniya na niyuko ang sarili pagkatapos ay muling tumingin sa lalaki. "Wag nga ako, Clifford. Kung hindi ko pa alam, sanay kang makakita ng babae na mas maunti ang tinatakpang balat kesa sa usot ko. Yung iba nga, wala pang damit mismo."

Naglapat ang mga labi ni Clifford. Tumitig sa kanya pero hindi sumagot.

"Pret!" sigaw ni Jordan. Nang lingunin niya ito ay nasa tabing dagat na. Naroon na rin ang kayak na gagamitin nila.

Tinalikuran niyang muli si Clifford. Yumukod siya at inilagay ang sunscreen sa sling bag.

Tumikhim si Clifford, "What's with you and Jordan? Nanliligaw din ba siya sa iyo?"

"You have no business asking me that personal question, Clifford," tugon niya kasabay nang muling pagharap dito. Una niyang napansin na nagbago ang pagkakatayo ng binata. Both his hands are inside the front pocket of his cargo shorts. His body full of tension, his face grim.

"I have, Pret. Gusto kong malaman kung katunggali ko rin ba siya sa puso mo."

Umangat ang kilay niya. Was she hearing him correctly? "Excuse me?"

MISSION 3: Claiming YouWhere stories live. Discover now