Chapter 43 - Busted

3.1K 204 123
                                    

"Don't bother wearing any clothes, sweetheart. I'll be back in a jiffy," ani Clifford nang isarado ang cabin door.

Pero hindi pwedeng hindi siya magbihis. Dapat na magbihis siya dahil marami silang pag-uusapan ni Clifford. Unang dapat na planuhin nila ay ang pagharap nila sa mga magulang niya. Pangalawa ay ang pagharap niya sa kapatid. At ang totoo ay ang pagharap sa Kuya Gabriel niya siya mas kinakabahan. Alam niyang busy lang ito sa Ate Riah niya, pero bukas o sa makalawa, dapat na masabi na niya sa kapatid ang totoo.

With the engagement ring, adorned with huge and sparkling rocks in her finger, add that to what they did last night, and what they will surely do again after they had their breakfast, Pretzhel really needed to tell her family about her and Clifford the soonest possible time.

Hindi pa rin sinasaulian ng buong lakas ang tuhod niya, pero tumayo si Pretzhel at binuksan ang kabinet. Hindi uubra ang boxers ni Clifford. Masyadong maluwag. Pero pwede ang military shorts nito. May tali iyon sa bewang na pwede niyang hapitan para hindi mahubo sa kanya. Kumuha siya ng t-shirt at isinuot iyon, yun nga lang ay bakat na bakat naman ang dibdib niya. Hinubad iyon muli ni Pretzhel at nag-settle sa long sleeves. Makapal ang teka niyon. Maluwag at mahaba pa sa kanya kaya hindi siya asiwang kumilos.

Lumabas siya saka umakyat sa ilang baitang tungong salon. Para lang matigilan nang makita kung sino-sino ang naroon.

"Pret?" Ang hindi makapaniwalang mga mata ni Riah ang nasalubong niya.

Hindi niya nagawang sumagot sa gulat. She just looked back at her sister-in-law, surprised. And suddenly nervous. Kung narito si Riah ay tiyak na narito rin ang Kuya Gabriel niya. At hindi pa siya handang magharap sila kaagad ng kapatid.

Wala pa silang maayos na plano kung paano sasabihin sa lahat ang tungkol sa kanila ni Clifford!

Puno ng kaba at nerbyos ang dibdib na nagbawi siya ng paningin sa sister-in-law. Mula kay Riah ay umikot ang mga mata ni Pretzhel sa iba pang tao sa salon na nakatingin sa kanya. Si Timothy ay bakas ang gulat sa mukha, pero sina Eugene at Ace ay parehong nakangiti na para bang hindi ipinagtaka ang presensya niya sa yate.

Nag-init ng pisngi niya nang makita ang hawak ni Ace. At nakagat niya ang labi nang makita ang kapatid. Ang Kuya Gabriel niya, na kahit si Michelangelo ay mahihirapang iguhit ang ekspresyon nito sa mukha.

Pero nang magtama ang mga mata nila ni Clifford ay nabawasan ang kaba at nerbiyos niya. Ni wala man lang bakas ng pagkatigatig ang fiancé niya. He's just lazily leaning against a cabinet in the galley while looking at her with that lovesick expression on his face - like he was longing to make love to her this very minute.

Sa kabila ng kaba at nerbiyos ay nag-init ang magkabilang pisngi ni Pretzhel habang nakatitig sa lalaking mahal na mahal niya, na tulad niya'y nakatitig din sa kanya.

Cool. Calm. Collected. But most of all, confident. Clifford looked at her as if telling her that he is in control of the situation.

And that tiny fraction of a second is enough to erase all the fear and uncertainty in Pretzhel's heart.

"Pret? What are you doing here?" usisa ng kuya niya nang makalapit sa kanya. Pinasadahan ng tingin ang kabuuan niya, pahablot na hinawi ang kuwelyo ng long sleeves. "What is this?" pasigaw na tanong nito habang nakatingin sa leeg niya. At hindi pa ito nagkasya roon, hinigit pa nitong pababa ang kwelyo ang damit. She heard him growl under his breath. His disbelieving eyes met hers.

"Kuya..." Magpapaliwanag sana siya pero naantala nang may magsalita.

"Hey. Anong nangyayari dito? Bakit nasigaw si Gabriel?" tanong ni Jason na kapapasok lang sa salon, kasunod ang asawa.

MISSION 3: Claiming YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon