Chapter 30 - Taste

3K 147 36
                                    


"Bakit ka narito? Sa Camp Tecson ka pa galing? Anong oras ka dumating?" sunod-sunod na tanong ni Pretzhel habang naglo-lock ang glass door.

"Isa-isa lang ang tanong, sweetheart. Pero bago ang lahat, pa-kiss muna."

Bago pa siya maikulong ni Clifford sa bisig nito ay naka iwas siya. Pasimpleng sumulyap sa labas ng bakeshop. Nakuha naman ni Clifford ang hint niya.

"Sa Camp Tecson ako galing. Kadarating ko lang. Pagdating ko sa inyo ay inalok akong kumain ni Papa Ron. Pero sabi ko'y aantayin na lang kita para sabay tayo. Sabi ni Mama ay dalhin ko na lang daw ang pagkain dito at hindi nila alam kung anong oras ka pa uuwi," sagot nito habang nakasunod sa kanya.

Itinulak niya pagbukas ang pinto ng kitchen, "Muntik na tayong nagkasalisi. Tapos na ako. Pauwi na rin ako, actually."

Imbes na sumunod sa loob ay nanatili sa may pintuan ng kitchen si Clifford, "Paano? Dito na ba tayo kakain, o uuwi na tayo sa inyo?"

Umangat ang kilay ni Pretzhel. Sumandal siya sa bench saka humalikip. "Talaga? Gusto mong umuwi na kaagad tayo?"

Biglang nangislap ang mga mata ng boyfriend niya. Sa isang iglap ay naisarado nito ang pinto, ibinaba kaagad ang basket sa bench. Ikinulong siya nito sa mga bisig at kinintalan ng halik sa labi. "Pwede ring dito na tayo magpalipas ng magdamag."

Pretzhel laughed. Iniikot niya ang braso sa batok ni Clifford. "Magdamag ka diyan! One hour, max. Sapat na pahinga na siguro iyon sa biyahe mo mula Camp Tecson papunta rito."

Clifford groaned. "Kulang dalawang oras ang biyahe ko papunta dito, tapos isang oras lang kitang kasama? Bitin 'yon, sweetheart."

Ngumiti si Pretzhel. Nauunawaan naman niya si Clifford. Kahit siya ay nakukulangan sa isang oras. Lamang ay malayo pa rin ang uuwian ng boyfriend.

"Uuwi ka pa sa inyo, di ba?" Sa San Jose Del Monde, Bulacan pa uuwi si Clifford. "Alas otso na. Kulang dalawang oras din ang biyahe mo. Kung nine nang gabi ka aalis, eleven ka pa makakarating sa inyo. At alam ko naman na pagod ka rin, sweetheart."

Bumuntong hininga ito. "Kung umaamin na ba kasi tayo, eh di hindi ko na kailangang umuwi. Pwede na akong matulog sa kwarto mo."

Napatawa si Pretzhel. Mariin niyang pinisil ang ilong nito. "Matulog sa kwarto ko? Ano ka? Sinusuwerte?"

Ngumiti si Clifford. Labas na labas ang maliliit na biloy sa magkabilang gilid ng labi, "Oo. Napaka swerte. Imagine, may isang napaka espesyal na babae na mahal na mahal ako. Tapos may bonus na mababait na future in-laws na tanggap na tanggap ako." Sumulyap ito sa basket na dala. "See? Ayaw na magutom ako. Tapos binigyan pa ako ng solid na excuse para masolo kita. Napaka swerteng nilalang ko, di ba?"

Umangat ang kilay niya, "Hindi ka masyadong swerte, ano. Alam mo bang kinausap ako ni Kuya kanina? Pinadidistansiya ako sa iyo. May sinabi siyang iba-ibang babaeng bumibisita sa iyo sa PMA noon. Meron pa raw na nagkasabay na bumisita sa iyo."

Nagkibit-balikat si Cliff, "Ah, iyon? Yearlings kami noon. Kasama ko ang current girlfriend ko na taga-Baguio tapos dumating yung ex kong taga-Bulacan."

Lalong umangat ang kilay niya, "Ex mo? Formally break na kayo?"

"Plebe pa lang ako, wala na kaming communication."

Pinaikot ni Pretzhel ang mga mata. "Walang communication o hindi ka nag-initiate makipag-communicate?"

Clifford just grinned.

Pinatirik niya ang mga mata. "Typical. That's two-timing, Sales!"

"Noon pa iyon, sweetheart. Hindi na ngayon. Promise," Nakataas ang kanang kamay na sumpa nito.

MISSION 3: Claiming YouWhere stories live. Discover now