Chapter 32 - Unrestrained

2.4K 142 34
                                    


"Sweetheart, please sit down," ani Clifford na kaagad nakatayo. Hinawakan siya sa kamay.

"That's way out of line, Letty," displeasure evident in Lorenzo's voice.

"What? Masama bang protektahan ang anak ko?" defensive na sagot ni Leticia.

"Hindi masama, Letty. Mali lang ang pamamaraan mo," ani Lola Ada. Halata maging sa boses nito na hindi ito natutuwa.

Pretzhel took a deep breath to calm her nerves. Nang kontrolado na niya ang bugso ng damdamin ay bumaling siya kay Lolo Gener, "Minsan pong nagkukuwentuhan kami Abby ay nasabi niya in passing na naki-print siya ng dokumento sa library ninyo, Lolo. Maaari po ba akong maki-print din?"

"Oo naman, apo."

Bumaling siya kay Clifford. "Let's go."

"Gaano kahalaga ang dokumentong iyan na aalis ka sa dinner na pinaghirapang ihanda para sa iyo? Umuwi pa kami rito, tapos aalis ka sa hapag kainan nang gano'n-gano'n na lang?" nang-uuyam na tanong ni Letty.

Mula sa kanya ay tumingin ito kay Clifford. "Clifford, anak, ganyang babae ba talaga ang gusto mo? Hindi maalam magpahalaga sa effort ng iba? Alam mo anak, I knew someone who is very-"

"Tama na, Leticia." Hindi man nagtaas ng boses ay bakas ang babala sa tinig ni Lorenzo.

Naglapat nang mariin ang mga labi ng ina ni Clifford. Matalim ang mga mata nito nang sumulyap sa kanya.

Nagtaas ng noo si Pretzhel, sinalubong ang nang-uusig na tingin nito. "Importante ang dokumentong ipi-print ko, Ma'am. Nagtatanong kayo kung pipirma ako sa prenuptial agreement, di ba? I will. Ipi-print ko na."

"Fuck! Bakit meron ka niyon, Pretty? There's no need for that, sweetheart!"

Tumingin siya sa boyfriend, "Alam kong alam mo kung gaano kayaman si Ate Riah, di ba? Literal na tagapagmana, both maternal and paternal side. Ayaw ni Kuya Gab na maakusahang ang yaman ni Ate Riah ang habol niya, so he made me contact a lawyer and ask for a prenuptial agreement. I have the draft in my email."

"Shit! I won't sign that!"

Muli siyang tumingin sa ina ni Clifford. "I'll have it printed. You can read and check if the draft I have will suffice your requirements. If not, you can contact your own lawyer and have a new prenuptial agreement drafted," taas-noong salita ni Pretzhel saka siya tumalikod.

"Fuck! Sweetheart!"

Sa hallway na siya inabutan ni Clifford.

"Shit! I'm so sorry, sweetheart," bakas ang pagsusumamong salita ni Clifford. Yumapos ito mula sa likuran niya.

He tried to stop her but Pretzhel will not be deterred. Inalis niya ang kamay nito sa bewang niya saka muling humakbang. "Where's the library?"

"Shit! I told you, there's no need for that," ani Clifford na pumunta sa harapan niya. Muling yumakap sa kanya.

"There is," walang kurap na salita niya. Inalis niyang muli ang braso nito sa pagkakayapos sa kanya.

"Fuck! Don't give me that look, sweetheart."

"I. Will. Print. The. Prenup. Clifford." Ipanarating niya sa tingin, sa tono ng boses, maging sa reaksyon ng mukha kung gaano siya kaseryoso.

Naihilamos ni Clifford ang kamay sa mukha. Tumingala ito habang hinihilot ang batok.

"Saan ang library?" tanong niya sa tonong nagsasaad na hindi tatanggap ang sagot na 'Hindi'.

Walang salitang hinagip ni Clifford ang kamay niya. Ilang pinto ang nilampasan nila saka nito itinulak pagbukas ang isang pinto.

MISSION 3: Claiming YouWhere stories live. Discover now